Pagkaing Nakakababa ng Blood Sugar: Pampababa ng diabetes level ikontrol

Medical Team
is a Medical expert in United States

Delikado ang taong may mataas na blood sugar dahil di lang posibleng humantong sa sakit na diyabetis, possible ring magkaroon ng mga di kanais-nais na mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, panghihina ng katawan, mabagal na paghilom ng sugat, at pagkasira ng paningin. Maaari rin itong makaapekto sa ating bato at mga ugat sa katawan.

Maraming posibleng dahilan sa pagtaas ng ating blood sugar. Ngunit meron ding mga pagkaing nakakatulong maiwasan ang mapanganib na pagtaas ng blood sugar.
 
Narito mga pagkaing nakakatulong ikontrol ang blood sugar ng isang tao:
 
Okra
Ang okra ay may sangkap na flavonoids na epektibo sa pagpapababa ng blood sugar, base sa ilang pag-aaral. Sa katunayan, ang okra ay ginagamit na natural na gamot sa diyabetis sa bansang Turkey.
 
Mansanas
May sangkap ang mansanas na inuudyok ang lapay na maglabas ng insulin ng mga nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar at makaprotekta laban sa diabetes. Base sa isang pagaaral, ang pagkain ng mansanas ay nakakatulong mapabab ng tsansang magka-type 2 diabetes.
 
Buto ng Kalabasa
Mayaman sa polysaccharides ang buto ng kalabasa, na napatunayang maaaring makababa ng blood sugar level. Mayaman din sa fiber at antioxidants ang buto ng kalabasa, na masustansya at nakakatulong sa pagkontrol ng antas ng blood sugar.
 
Bawang o Ahos
Ang bawang ay kilalang sangkap na panlaban sa diyabetis. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2017, nakakatulong ang bawang sa pag kontrol ng asukal sa dugo at cholesterol para sa mga taong may Type 2 Diabetes.
 
Broccoli
Maraming pagaaral na nagsasabing nakakatulong magpababa ng blood sugar level ang broccoli. Mas mainam kung ilaga lang ng kaunti ang broccoli na hindi masyadong luto.
 
Fatty fish o isdang maraming taba
Ang mga fatty fish tulad ng sardinas at salmon ay nakakatulong sa pag kontrol ng blood sugar sapagkat pinapabagal nito ang pagtunaw ng pagkain. Mabilis rin itong makabusog kung kaya maiiwasan ang sobrang pagkain.
 
Strawberries o Presas
Ang presas ay isa sa mga prutas na nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar dahil siksik ito sa antioxidants na nagpapababa rin ng cholesterol. Mas mababa rin ang sugar content nito kumpara sa mga prutas tulad ng saging at mansanans.
 
Ngunit wala pang matibay na ebidensiya na ang pagkain ng mga pagkaing nabangit ay nakakababa ng blood sugar level tuwing emergency, katulad pag may diabetes.
 
Wolever, T. M., & Miller, J. B. (1995). Sugars and blood glucose control. The American journal of clinical nutrition, 62(1 Suppl), 212S–227S. https://doi.org/10.1093/ajcn/62.1.212S
 
Russell, W. R., Baka, A., Björck, I., Delzenne, N., Gao, D., Griffiths, H. R., Hadjilucas, E., Juvonen, K., Lahtinen, S., Lansink, M., Loon, L. V., Mykkänen, H., Östman, E., Riccardi, G., Vinoy, S., & Weickert, M. O. (2016). Impact of Diet Composition on Blood Glucose Regulation. Critical reviews in food science and nutrition, 56(4), 541–590. https://doi.org/10.1080/10408398.2013.792772
 
Zhang, S., Ma, X., Zhang, L., Sun, H., & Liu, X. (2017). Capsaicin Reduces Blood Glucose by Increasing Insulin Levels and Glycogen Content Better than Capsiate in Streptozotocin-Induced Diabetic Rats. Journal of agricultural and food chemistry, 65(11), 2323–2330. https://doi.org/10.1021/acs.jafc.7b00132
 
Dreher, M. L., & Davenport, A. J. (2013). Hass avocado composition and potential health effects. Critical reviews in food science and nutrition, 53(7), 738–750. https://doi.org/10.1080/10408398.2011.556759
 
Wien, M., Haddad, E., Oda, K., & Sabaté, J. (2013). A randomized 3×3 crossover study to evaluate the effect of Hass avocado intake on post-ingestive satiety, glucose and insulin levels, and subsequent energy intake in overweight adults. Nutrition journal, 12, 155. https://doi.org/10.1186/1475-2891-12-155
Park, E., Edirisinghe, I., & Burton-Freeman, B. (2018). Avocado Fruit on Postprandial Markers of Cardio-Metabolic Risk: A Randomized Controlled Dose Response Trial in Overweight and Obese Men and Women. Nutrients, 10(9), 1287. https://doi.org/10.3390/nu10091287

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.