Pagkaing Nakakasira ng Kidney: Bawal sa Sakit sa Bato

Medical Team
is a Medical expert in United States

Hindi gagana ng maayos ang ating katawan, kapag may topak ang ating kidney. Pag nasira ang kidney, tumutungo ito sa mga sakit sa bato tulad ng Chronic Kidney Disease o CKD.

At nakakasanhi naman ito ng high blood pressure, panghina ng mga buto, at pagbaba ng bilang ng dugo. Kaya’t di lang kidney ang nasisira, kundi maaaring magdulot din ito ng sakit sa puso at problema sa dugo.

Hindi ito napapansin agada agad, kundi unti-unting naiipon, hanggang humantong sa kidney failure, na nagagamot sa renal dialysis at kidney transplant.

Kaya’t mahalagang malaman mga kinakain na maaaring makasira sa kidney kapag naparami, para bumaba ang tsansang magkaroon ng sakit sa bato. Narito ang ilang nakakagulat na pagkain na maaaring makasira pala sa kidney kapag naparami:

1.     Sardinas – Masustansya ang sardinas dahil merong itong omega-3 fatty acids na nakakabuti sa kalusugan. Ngunit may mga isda tulad ng sardinas na mataas ang nilalaman na purines. Ang purines ay nakakasama sa kidney kapag naparami, dahil nagiging uric acid ito sa ihi na maaari maging uric acid stones. Kaya’t kapag masyadong napapadalas ang pagkain ng sardinas, mabuting bawasan ang pagkain nito, upang maiwasan ang pagtaas ng uric acid sa ihi at pagbuo ng uric acid stones. Maaari namang limitahan ang pagkain ng sardinas sa 1-2 beses sa isang linggo.

2.     Painkillers – Normal lang na uminom ng painkillers pag may nararamdaman na sakit. Nabibili rin lang ito sa mga botika ng di kelangan ng reseta ng doctor. Ngunit may mga iba na madalas umiinom ng painkillers dahil meron silang ibang karamdaman na kelangan ito. May iba naman na mahilig lang talaga uminom ng painkillers, kahit kakaunting sakit lang ang nararamdaman. Pero masama ang painkillers o analgesics kapag naparami. Mga halimbawa ng analgesics ay  ang aspirin, ibuprofen, at acetaminophen. Kaya’t wag basta basta iinom ng madalas kapag walang konsulta ng doctor.

3.     Red Meat
 Ang mga red meat ay mga karne na medyo maitim o mapula ang kulay, tulad ng karne ng baka at baboy. Kapag naparami ng kain ng red meat, maaaaring makataas ng tsansang magka-kidney disease. Dahil may mga protein sa red meat na nakakasira sa pagsala ng ating kidney kapag naparami.

4.     Softdrinks – Base sa pagaaral ng mga siyentipiko, nakakataas ng tsansang magkaroon ng chronic kidney disease ang madalas na paginom ng softdrinks. Nahihirapan ang kidney na umaandar ng maayos kapag sobra ang asukal sa katawan.

5.     Alak Ang paginom ng mas marami sa 2 boteng beer o dalawang shot ng hard liquor sa isang araw ay maaaring makasanhi ng chronic kidney disease. Lalo na kapag naninigarilyo ka rin.  

6.     Salt – Mahalaga ang asin sa katawan, ngunit kapag napasobra ito, maaaring makapinsala ito sa katawan. Halimbawa, nakakasanhi ito ng mga sakit sa bato, dahil nasisira ang balanse ng asin sa katawan, at nahihirapan ang kidney na ilabas ang asin sa katawan. Nakakataas din ito ng blood pressure, na nakakasama sa ating kidneys.

7.     Mga Processed foods
Mataas sa sodium at phosphorus ang mga processed foods, na nakakadulot ng sakit sa bato kapag naparami. Maaaring kumain ng processed foods tulad ng delata, pero hinay hinay lang, at iwasan na palagi.

8.     Pagkaing mataas sa asukal
Nakakataba ang asukal, kaya’t nakakataas ito ng tsansang magkaroon ng high blood pressure at diabetes, na madalas sanhi ng sakit sa bato. Di lang mga desserts ang mataas sa sugar, kundi pati narin ibang inumin tulad ng softdrinks, at mga packaged food tulad ng biscuits.
 
Sources/ References:
Saldana, T. M., Basso, O., Darden, R., & Sandler, D. P. (2007). Carbonated beverages and chronic kidney disease. Epidemiology (Cambridge, Mass.), 18(4), 501–506. https://doi.org/10.1097/EDE.0b013e3180646338
 
Boero R, Pignataro A, Quarello F. Salt intake and kidney disease. J Nephrol. 2002 May-Jun;15(3):225-9. PMID: 12113591.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.