Pagkaing pantanggal ng Bara sa Puso

Medical Team
is a Medical expert in United States

Isa sa numero unong ikinamamatay ng pinoy ay ang sakit sa puso. At isa sa pinaka-karaniwan na klase ng sakit sa puso ay ang coronary artery disease. Nangyayari ang coronary heart disease kapag naiipon ang mga taba at kolesterol sa mga ugat ng puso, kaya’t nagbabara ang pagdaloy ng dugo. Maaaring magdulot ito ng atake sa puso at cardiac arrest.

Merong mga pagkaing nakakaiwas magkaroon ng bara sa puso, para maging malinis at madulas ang daloy ng dugo papunta sa puso. Narito ang mga pagkain na nakakatulong mapanatiling magaan ang daluyan ng dugo sa puso:
 
Mani – Napaka-masustansya ng mani sa puso. Mayaman ito sa fiber, bitamina at unsaturated fats. Nakakapagpababa ito ng bad cholesterol, na sanhi ng naiipon na bara sa daluyan ng puso. Mayaman din ito sa magnesium, na nakakalinis ng kolesterol sa daluyan ng puso.
Di lang yan, masarap din ito pang merienda ang mani tuwing nagugutom, dahil masarap kumagat ng malutong at nakakabusog pa ito.
 
Avocado – Masustansya ang avocado sa puso, dahil nakakapagpadami ito sa katawan ng ‘good cholesterol’ at nakakabawas naman ng ‘bad cholesterol’. Mayaman din sa potassium ang avocado. Napatunayan na nakakatulong ang potassium na maiwasan ang cardiovascular disease o sakit sa puso tulad ng pagbabara o blood clots.
 
Kape
Para sa mga mahilig mag-kape, magandang balita na nakakatulong malinisan ng kape ang arteries o daluyan ng dugo papuntang puso. Base sa pagaaral, nakakatulong ang paginom ng mga 3 tasang kape sa isang araw ang pagbara ng daluyan ng puso. Mukang madami ang 3 tasang kape, pero kung konti lang ang ihalo na asukal at cream, ok lang ito. At kung di mahilig sa kape, maaari ring uminom ng green tea.
 
Broccoli
Mayaman din sa fiber ang broccoli, na mabuti sa kalusugan ng puso. Ang iba pang gulay na nakakatulong maiwasan ang bara sa puso ay ang cauliflower, at cabbage o repolyo.
 
Fatty fish – Di porket na tinawag na ‘fatty’ ay ibig sabihin na mga taba ito na masama sa katawan. Bagkos, ang itinutukoy ay mga healthy fats o unsaturated fats, na tumutulong mapababa ng cholesterol sa dugo. Napatunayan na ang omega 3 fatty acids ay nakakapagpababa ng triglycerides at maiwasan ang cardiac death o pagkamatay dahil sa sakit sa puso.  Mataas sa omega 3 fatty acids tulad ng sardinas, tuna at salmon.
 
Turmeric
Mayroong anti inflammatory compounds ang luyang dilaw, na nakakatulong mabawasan ang pagkasira sa mga daanan ng daluyan ng dugo papunta puso. Nakakatulong din ito mabawasan ang mga taba o fatty deposits sa areteries o daluyan ng dugo ng puso.
 
Sources/ References:
 
Li, X., Lu, Y., Sun, Y., & Zhang, Ko. (2015). Effect of curcumin on permeability of coronary artery and expression of related proteins in rat coronary atherosclerosis heart disease model. International journal of clinical and experimental pathology, 8(6), 7247–7253.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.