Pagkakakitaan 2023: Kapalaran sa Pera, Negosyo at Trabaho

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ayon sa mga astrologists, ang mga zodiac sign ay nagpapahiwatig na kung ano ang iyong natatanging kakayahan ng isang tao at ano maaaring maabot niya sa buhay. Dahil sa kaalamang ito, mas mapapadali ang paghahanap ng trabaho o pagkakakitaan.  

Narito ang mga maari pagkakakitaan, trabaho o karera sa taong 2023:
 
ARIES (March 29 – April 19)
Ang mga taong pinanganak na may zodiac sign na Aries ay sinasabing determinado, malikhain, at prangka. Ang mga katangian na ito ay nababagay sa mga posisyon na namamahala o nasa mataas ng posisyon ng kumpanya.
Mainam din sa mga Aries ang trabahong nangangailangan ng malakas ang loob gaya ng pagiging pulis, sundalo, bumbero, o doctor
TAURUS (April 20 – May 20)
Ang mga taong Taurus ay matibay ang loob sa anumang bagay na dumarating sa buhay.
Sila ay maasahan, praktikal, at tapat kaya mainam sa kanila ang mga trabahong nangangailangan ng mahabang pasensya at tyaga. Sila ay maaring pumasok sa larangan ng abogasya, negosyo at pananalapi.
Kalimitan sa mga Taurus ay mahilig sa pagkain, kaya magaling sila sa larangan ng nutrisyon at pagkain, o di kaya ay magpatayo ng sariling kainan.
 
GEMINI (May 21 – June 20)
Maituturing na isa sa pinakamahilig makipagkapwa at palakaibigan ang mga Gemini. Dahil sa hilig nila pakigpausap at makihalubilo, naaayon sila sa larangan ng social media, paglalakbay, at sales. Mainam din sa kanilang katangian ang mga trabaho sa pagtuturo at komunikasyon kung saan maari silang makihalubilo sa mga estudyante, ipasa ang kanilang kaalaman, at magtalakay ng mga ideya.
 
CANCER (June 21 – July 22)
Dahil sa angking katangian ng Cancer na maunawain sa nararamdaman at may malasakit sa iba,
nababagay sila sa larangan ng social worker, guro, empleyado sa human resource, nars, o therapy. Karamihan din sa mga Cancer ay nagpapatayo ng mga organisasyong tumutulong sa mga nangangailangan o charity.
 
LEO (July 23 – August 22)
Likas na kaakit-akit at magaling makisama ang mga Leo, kaya madali silang makahanap ng trabaho sa alinmang organisasyon. Gusto nilang maging bida at sentro ng atensyon, kaya karamihan sa mga Leo ay namumuno at gumagabay sa kanilang kompanya o grupo.
Ang mga trabahong angkop sa mga Leo ay mga nagdudulot ng kapangyarihan at katanyagan. Kaya ang mga mainam na propesyon para sa kanila ay ang pag-aartista, pulitiko, abogado, turismo, at real estate.
 
VIRGO (August 23 – September 22)
Dahil sa pagiging metikuloso at masigasig matuto ng mga Virgo, sila ay maaasahan sa anumang tungkulin na ibibigay sa kanila. Bilang empleyado, magaling magbuo ng mga plano at sigurista sila sa trabaho. Kaya mainam na propesyon sa kanila ang pagsusulat, detective, sekretarya, o ang pagiging mananaliksik.
Likas din sa mga Virgo ang pagiging maalahanin at maalaga, kaya karamihan sa kanila ay nasa industriyang nagbibigay ng serbisyo at nakakatulong sa iba.
 
LIBRA (September 23 – October 22)
Ang mga Libra ay magaling makibagay at bihasa sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang tao, kaya masarap sila kasama sa opisina. Madaling pakisamahan, matulungin, at magaling magbigay ng payo ay ilan lamang sa mga katangian ng mga Libra kaya sila ay naaayon sa mga trabaho kung saan maaari silang makatulong sa paggawa ng desisyon gaya ng pagiging diplomatiko, dealer, at broker.
Magaling bumasa at umintindi ng ibang tao ang mga Libra, kaya mainam din silang maging manedyer, customer service representative, at mga propesyon na nagpapatupad ng batas at hustisya.
 
SCORPIO (October 23 – November 21)
Likas na masigasig, determinado, matalino, at mapamaraan ang mga Scorpio. Gusto nila ang palaging nahahamon sa kanilang tungkulin kung saan nagagamit nila ang kanilang kakayanan. Ang ilan sa mga propesyong gusto ng mga Scorpio ay pagiging psychologist, siyentipiko, inhinyero, o marketing analyst.
Maaasahan, mausisa, at magaling magtago ng sikreto din ang mga Scorpio. Dahil sa mga katangiang ito, mainam na may kaugnayan sa imbestigasyon at hustisya gaya ng sa pulis, sundalo, o pribadong imbestigador.
 
SAGITTARIUS (November 22 – December 21)
Maituturing na isa sa mga pinakapalakaibigan at independent ang mga Sagittarius. Ilan sa mga natatanging katangian din nila ay magaan sa loob sila kausap, mabait, at masigasig. Kaya naaangkop sila na mamuno at magbigay inspirasyon sa grupo, gaya ng public relations, instructor, at tagapayo.
Hilig din nila maglakbay at matuto ng ibang kultura, kaya naaayon din na propesyon sa kanila ay flight stewardees at tour guide.
 
CAPRICORN (December 22 – January 19)
Praktikal, seryoso, at organisadong klase ng mga tao ang mga Capricorn. Sila rin ay determinado at may mataas na ambisyon na tapusin ang tungkuling pinapagawa sa kanila. Ang mga Capricorn ay responsable at maaasahan sa trabaho, kaya sila ay umuunlad sa mga posisyong mayroong kapangyarihan gaya ng pagiging manedyer, siyentipiko, computer programmer, at inhinyero.
 
AQUARIUS (January 20 – February 18)
Kilala ang mga Aquarius sa kanilang pagiging mausisa at may malaking tiwala sa sarili. Mahusay silang gumanap ng mga tungkulin kung saan malaya silang gumalaw at mag-isip. Higit silang natutuwa sa mga trabahong kelangan ng malalim na pag-iisip, at bumuo ng mga ideyang iba sa karaniwan. Ang ilan sa mga naaayon sa kanila ay ang pagiging manunulat, taga-disenyo, at ang mga may kaugnayan sa sining, dahil maaari nilang maihayag ang kanilang ideya at saloobin dito. Dahil sa taglay nilang katangian at kakayahan, maraming Aquarius din ang nagpapatayo ng kani-kanilang negosyo.
 
PISCES (February 19 – March 20)
Maalaga at mapagmalasakit ang mga Pisces, kaya sila ay naaangkop sa mga trabahong tumutulong sa mga taong may problema o dumadanas ng karamdaman, gaya ng doktor, psychologist, o physical therapist.
Natural din na malikhain sila, kaya naaayon sa kanila ang mga trabaho na may kaugnayan sa musika, pagpapaganda, at sining. 
 
REFERENCES:
 
[1]Dhankher, N. 2022. Your most preferred career option as per your zodiac sign. Retrieved from: https://www.hindustantimes.com/astrology/horoscope/your-most-preferred-career-option-as-per-your-zodiac-sign-101652454504240.html
[2] Leal, S. 2016. What Your Zodiac Sign Says About Your Career. Retrieved from: https://www.marieclaire.com/culture/g3396/zodiac-sign-career-traits/
[3]Predict My Future. n. d. Best Careers for Each Zodiac Sign. Retrieved from: https://predictmyfuture.com/best-careers-for-each-zodiac-sign/
[4]Stein, LP. 2020. These Are the Best Careers For Every Zodiac Sign. Retrieved from: https://www.popsugar.com/smart-living/photo-gallery/46432789/image/46434165/Aquarius-January20-February-18
[5]Zupek, R. 2009. What your zodiac sign says about your career. Retrieved from: https://edition.cnn.com/2008/LIVING/worklife/10/15/cb.astrology.career/index.html

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.