Pagkuha ng Certificate of Aggregate Landholdings

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sumangguni po ako sa isang abogado. Para daw po kami makatipid, pinapakuha po niya ang pamilya namin ng Certificate of Aggregate Landholdings na unang hakbangin sa proseso. Ako lang po ang medyo may pinag-aralan at may panahon upang magasikaso ng mga bagay-bagay. Saan po ba pupunta upang makakuha ng Certificate of Aggregate Landholding? Ang lupa po ay sa isang maliiit na bayan ng Cavite, sa Noveleta po. Ang kapitolyo po ng Cavite ay sa Trece Martirez. Saan po ba ako pupunta? Sa San Fernando Pampanga po kami naninirahan ngunit ang lupa po ng Lola ko at mana ng Ina ko ay nasa Noveleta. Bibiyahe pa po ako galing Pampanga kaya humihingi po ako sa inyo ng tulong upang maituro ninyo sa akin kung saan makukuha ang Certificate upang hindi po ako maligaw (o mag-aksaya ng pamasahe at panahon) at mabigyan ninyo po ako ng tamang gabay. Ang lupa po ay nasa pangalan ng Lola ko at mayroon din po sa Ina ko. Kailangan ko po ba ng may notaryo na Letter of Authorization o basta po may sulat upang makakuha ng Certificate ay maari na??? Mayroon din pong parte ng lupa na ibinenta ng tiyo ko, kapatid ng aking ina na hindi po namin nalaman kung paano niya nagawa ito dahil hindi pa po nag pa-partition ang magkakapatid: ang Ina ko, tiyo at isa pa nilang kapatid (lahat po ng magkakapatid ay buhay pa ngunit ang lola ko po ay yumao na). Sami po sa akin kumuha din po ako ng certificate of landholding sa pangalan ng tiyo ko saka ng dalawa niyang anak dahil baka po isinalin din niya sa mga anak niya ang lupa. Mga tatlong titulo po ng lupa ang nasasangkot dito. Ayaw pong makipagusap sa amin ang pamilya ng tiyo ko. Patulong naman po Attorney. Mabuhay po kayo at maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pumunta nalang po kayo sa Municipyo/kapitolyo (Trece Martirez) kung saan nakarehistro ang nasabing lupain. Itanong mo sa Registry of Deeds ang mga requirements. Mas mabuti sana if mayroon kang Special Power of Attorney na dala if wala naman baka pwede na magdala ka lang ng government Identification card at iba pang mga dokumento na magpapatunay na ikaw ay isa sa mga heirs nito katulad ng birth certificate mo or death certificate ng parents mo if wala na sila. Doon macheck mo rin ang status ng nasabing lupain.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty. Jescelyn,tungkol po duon sa payo ninyo sa akin na ako ay mag-pakita ng aking ID at Lola’s Death Certificate sa pagkuha ng Cert of Landholding, iyong pong Certificate sa pangalan ng Lola ko po ay mayroon po kaming death certificate.Iyun pong Certificate of Landholding na gusto ko pong kuhanin sa pangalan ng tiyo ko at ng kanyang mga anak, lahat po sila ay buhay pa. Iyun po ang isang suliranin kung paano ko po makukuha iyung mga Cert of Landholding na iyon. Sigurado pong hindi nila (tiyo at pamilya) ako bibigyan ng Authorization Letter dahil malalaman po nila na nagsasaliksik po ako kung ano ang kinahinatnan ng lupain na nasa pangalan pa ng lola ko at hindi pa po na-partition ngunit na-dispose na po niya (tiyo ko). Kung ID ko lang po ang aking ipapakita sa RD, ang apelyido ko po ay iba sa apelyido ng tiyo ko (tiyo ko siya sa ina), baka po hindi din ako mabigyan at isipin po ng RD na ako ay isang estrangero lamang na walang karapatan.Ang payo po ng Barangay at PAO ay magingat po daw ako sa aking pagiimbistiga dahil baka po daw ako saktan ng tiyo ko at partidos niya dahil ayaw po nilang mabulgar ang ginawa nilang anomalya. Ang lupain po ay nasa Noveleta, mayroon pong Registry of Deeds sa Cavite City na 20 minutos ang layo. Ang Kapitolyo po na Trece Mártires ay pagkalayo-layo sa Noveleta at Cavite City, mga halos 2 oras ang pagitan ng Cavite City at Trece at ilang salin ng sasakyang pang-publiko. Maki-tanong na din po, ang RD po ba ng Cavite City ay mayroong record ng lupain ng karatig na bayan (Noveleta)???? O talagang Kapitolyo (Trece) lamang ang makakapagbigay ng Certificate upang malaman ang lahat na mga lupain sa probinsiya ng Cavite???Ako lang po ang makakaganap ng ganitöng pag-iimbistiga dahil matanda na po ang aking ina (na isa sa tatlong taga-pagmana katulad ng dalawang tiyo ko) at yumao na po ang aking lola at lolo. Ano pa po ba ang ibang hakbangin na aking maaring gawin upang makakuha ng Certificate of Landholding bukod sa pagpapakita lamang ng aking ID???? Ang PAO po ay walang maitutulong sa akin tungkol sa Certificate. Saka na daw ako bumalik ulit sa kanila (PAO) kapag nakuha ko na daw po ang lahat ng Certificates of Landholding. Dito po ako nakabinbin. Patulong po ulit. Mabuhay po kayo Atty at maraming salamat po ulit.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mahirap yan na ikaw ang kukuha in behalf of your uncle na walang SPA/authorization. Mas mabuti sigurong kausapin mo ang iyong Uncle at sabihin ninyo na bilang mga heirs din gusto na ninyong magpartition nalang sa kung anong property ang naiwan ng kanilang mga magulang. Kung hindi makuha sa mabuting usapan sa Barangay nalang kayo mag usap atleast recorded at may mga official din sa Barangay na magbibigay ng advice sa inyong Uncle.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty. Jescelyn, tungkol po duon sa payo ninyong pagba-Barangay,nuong 7 taon na nakakaraan, ipina-Barangay daw po ng Ina ko itong Tiyo ko, (sa ibang kadahilanan at hindi tungkol sa lupa) ngunit hindi daw po lumitaw sa lahat ng tatlong schedule na paghaharap sa Barangay. Sabi po ng Brgy Chairman, ito daw pong pamilya ng tiyo ko ay ipinapawalang-bahala ang batas dahil ang asta po nila ay sila ay may impluensiya at kinikilala sa bayan ng Cavite kung saan sila nakatira. Kami po ng pamilya ng aking Ina ay sa Pampanga naninirahan, bayan ng aking ama kaya wala pong nakakakilala sa amin sa Cavite City. Kung amin po siya ipapa-barangay ngayon, sigurado pong lalong hindi sisipot sa pag-haharap dahil ito ay tungkol sa manang lupa na dapat ay pinagparte-partihan ngunit kinuha niyang lahat.Kung wala din pong mangyayari sa Barangayan ay baka po mauwi sa judicial partition. Ayon sa PAO ito daw po ay napaka-habang proceso at mahal dahil marami daw pong imbestigasyon na magaganap. Ayaw po namin na mauwi sa “judicial” dahil wala po kaming malaking pondo na magagamit sa civil case na ito.Ngunit kami po ay may karapatan dahil ang Ina ko po ay isa sa tatlong tagapag-mana. Sabi po ng PAO, marami daw pong ari-arian na ganito sa ating bansa, na inangkin ng isa lamang na taga-pagmana (hindi pinarte) at siya lamang ang nakinabang dahil ang ibang kapatid ay walang pera o kakayahan na lumaban. Ano pa po bang uring pakikipag-laban ang maari po naming gawin bago po mauwi sa judicial partition? Hindi po ba ang pag-kamkam na ginawa ng aking tiyo ay pagnanakaw???? Naka-ilang balik na po ako sa PAO ngunit wala pong détalye na masabi sa akin, sa dami din po siguro ng ibang kaso na kanyang inaasikaso kaya napapunta po ako dito sa BuhayOFW upang himingi ng opinion sa ibang abogado, mabuti naman ay nakakakuha ako na gabay sa inyo. Ano pa po ang aming maaring gawin, pagka-tapos ng Barangayan at bago mauwi sa “judicial partition”, na ma-pwersa na mapasagot ang aking tiyo??? Ito pong ginagawa ng tiyo at pamilya niya na pagwawalang-bahala sa batas, ano po ang “consequence” nito? Sila po ay mali kami po ang nasa panig ng batas. How can we assert our right??? Mukha pong ang kanilang “strategy” ay ilulubog kami sa utang (sa mga pagkakagastos) at kami ay pabagsakin upang kami ay lumayo na lamang.Patulong po ulit Atty. Mabuhay po kayo at taos pusong pasasalamat
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Wala bang ibang heirs o kapatid ang nanay mo para mas mabuti ng marami kayo ang magrereklamo laban sa tiyo mo? Matagal na pala yong nagkaharap kayo sa Barangay maaring nawala na ang records sa Barangay tungkol diyan mas mabuti patawag kayo uli dahil gagamitin ito as evidence kung sakaling aabot sa korte. Magsama ka ng iba pang mga kapatid mo at kapatid nga nanay mo na may interest din sa property.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang umaga po ulit Atty Jescelyn, sa inyo pong payo na isama ko po ang ibang kamag-anak namin na mga dapat mag-mana upang kalabanin ang pag-kamkam na ginawa ng tiyo ko po, tatlo pong lahat ang mga magkakapatid na orihinal na taga-pagmana. Silang tätlo ay legitimate heir. Ang Ina ko po (widow) ay isa at ang isa pa pong kapatid ng Ina ko (tiyo ko) ngunit siya po ay may-sakit at ang mga anak niya ay high-school lang po ang narating kaya wala pong kaalaman tungkol sa masalimuot na suliranin tulåd nitong “civil case” na ito. Ang aking ina naman ay naka-wheelchair kaya hindi po maaring bumiyahe sa puntos na ito na umpisa pa lang po ng imbestigasyon.Isa lang po ang aking kapatid ngunit siya ay sa ibang bansa naninirahan. Binigyan nila (Ina at kapatid ko) po ako ng SPA kung sakaling kailangan ang kanilang involvement.Ako lang ang tanging may kaunting panahon, pera at kaunawaan upang magasikaso at lumaban. Sa sarili kong sikap, may natapos po ako na antas ng kolegio at mayroon ding trabaho kahit papaano. Nakuha po ako ng bakasyon sa trabaho upang magasikaso po nito. Kung ang magiging laban po ay “civil case na judicial partition”, sabi po ng PAO ito ay tatagal ng mahabang panahon at mahal, gusto ko po sanang itanong sa inyo Atty Jescelyn kung ano pong kasong kriminal ang maari po naming isampa laban sa tiyo ko at pamilya. Sigurado pong hindi nila papansinin ang “civil case” na isasampa namin at ipaiipit nila sa korte (kaya hindi po aandar ang kaso, aabutan ng mahabang panahon at baka kamatayan na ng aking ina at isa pang tiyo) dahil may impluwensya po sila (kamkamerong tiyo at kanyang pamilya) sa Cavite City.Hindi naman po namin maaring sa ibang korte isampa ang demanda dahil po ang ari-arian ay nasa Cavite na teritoryo po ng tiyo ko. Ano po ang mga kasong-kriminal laban sa kanila???? Baka po kapag kriminal na ang kaso ay sila ay maligalig ng kaunti at pansinin ang aming pakikipag-laban sa aming karapatan bilang tagapag-mana din. (P.S. Iyun pong Barangayan na naganap ng nakaraang 7 taon, mayroon po kaming kopya ng resulta, may tatak pa po ng Barangay ang mga dokumentöng aming hawak). Pahingi po ulit ng tulong sa criminal case na aming maisasampa. Salamat po at mabuhay po kayo Atty.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.