Pangangati ng Lalamunan: Home remedies sa Sore throat

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maaaring lumala ang simpleng pangangati ng lalamunan kapag di naagapan. Ngunit wala ng mabilan ng mga gamot, nagkakaubusan na. Ayaw mo rin lumabas, at baka mahawaan

May mga home remedies na makikita sa bahay na maaaring gamitin. Di pa kelangan gumastos.
Narito ang iilang tinatagong home remedies ng mga mangagamot mula ng sinaunang panahon:
1.     Pulot pukyutan - Isang natural na antibiotic ang honey o pulot pukyutan. Mayroong anti-bacterial properties ang honey na nakakapatay sa mga germs at impeksiyon. Maaring ihalo ang honey sa maiinit na tsaa, atsaka inumin
2.     Turmeric - Kadalasang hinahalo ang turmeric o luyang dilaw sa ating pagkain. Ngunit alam niyo ba na may anti-inflammatory effect ang turmeric?
Pinapayuhan na ihalo ang kalahating kutsarita ng turmeric at kalahating kutsarita ng asin sa isang basong mainit na tubig. Imumog ito tuwing umaga at gabi.
 
3.     Suob o steam inhalation - Base sa siyensiya, ang paghinga ng usok na lumalabas sa kumukulong tubig ay nagpapaginhawa sa pakiramdam at nakakatulong sa baradong ilong, lalamunan, at baga. Ito rin ay nakakatulong sa hirap sa paghinga, dahil nagpapalambot ito ng plema
 
4.     Garlic o Bawang - Ang pagsipsip rin ng hilaw na bawang ay makakatulong sa pag-gamot ng sore throat dahil sa antibacterial properties nito. Mabuti lang na mag-toothbrush pagkatapos dahil matapang ang amoy ng bawang.
5.     Ipahinga ang boses – Kapang sinabing pahinga ang boses, di naman nangangahulugang hindi na magsalita sa buong araw. Iwasang lamang sumigaw o magsalita ng pasigaw. Bagkus maaari magsalita ng mahina lamang.
6.     Ipahinga ang sarili – Kapag sobrang stress o pagod, ang ating immune system ay mahina, kaya nahihirapan ang ating katawan na gumaling. Mahalagang may sapat na tulog at iwasan ang mga bagay o gawain na nakakapagod o nakaka-stress.
7.     Luya - Pinapa-galing ng luya ang iyong namamagang lalamunan dahil sa taglay nitong anti-inflammatory at anti-bacterial activities. Iba’t ibang paraan ang paggamit ng luya. Isa sa pinaka-epektibo at madali ay, ang pagbalat, at pagnguya, ng sariwang luya. Pwede ring ihalo sa tsaa, atsaka inumin.
8.     Tubig – Ang tuyong hangin o dry air ang isa sa dahilan ng sore throat, dahil kapag natutuyo ang ating lalamunan, mabilis dapuan ito ng germs. Nakakatulong ang madalas na pag-inom o kahit konti sip ng tubig paminsan-minsan para manatiling mamasa-masa ang lalamunan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.