Panlabnaw ng Dugo: Natural na gamot para maiwasan mamuo ang dugo

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mapanganib kapag namuo ang dugo sa mga importanteng parte ng katawan. Halimbawa, maaaring mamuo ang dugo sa puso, baga, utak at bato.

Kaya’t kelangan ng pampalabnaw sa dugo ang mga taong mataas ang panganib na magka- stroke o atake sa puso. Sa Ingles, tinatawag ang pampalabnaw ng dugo na blood thinners o anticoagulants.
 
May mga natural na gamot para panlabnaw ng dugo ,para makatulong makaiwas na mamuo o mag-bara ang dugo. Ngunit importante na kumonsulta muna sa doctor, dahil maaaring mas epektibo ang mga resetang gamot, tulad sa mga merong sakit sa puso o malalang karamdaman.
 
Narito ang iilang natural na gamot pampalabnaw ng dugo:
 
1.     Paprika - Mataas sa salicylates ang paprika, na nakakapag-palabnaw ng dugo. Ngunit may paprika na medyo maanghang, lalo na sa mga hindi sanay, kaya’t pumili ng Sweet paprika. Maari itong ihalo sa pagkain o nilulutong ulam. Mabibili rin ang paprika powder sa mga groceries at supermarket.
2.     Cinnamon – mayroong coumarin ang cinnamon, isang nakakalabnaw ng dugo. Mabibili ang cinnamon sa mga groceries o supermarkets. Maaaring ihalo ang cinnamon sa kape. Ngunit magingat na kaunti lamang ang ihalo, mga wala pa isang kutsarita, dahil maaaring may side effects sa atay pag masyado madami makain sa katagalan.
3.    Vitamin E – Nakakabawas ng pagbuo ng dugo o blood clotting ang vitamin E. Mas mabuting makuha ang Vitamin E sa mga pagkain, kaysa sa paginom ng vitamin E supplements. Dahil kapag mayroon ng iniinom na resetang gamot na blood thinner. Halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin E ay Asparagus, Mango, Avocado, Almonds at Red bell pepper.
4.     Bawang – Bukod sa antibiotic at anti-inflammatory properties ng garlic, mayroon din itong antithrombotic properties. Ibig sabihin, nakakabawas ito ng pagbuo o pag-clot ng dugo. May ibang pagaaral naman na nagsasabi na nakakalabnaw ito ng dugo ng kaunti. Mas mabisa kung kakainin o nguyain ang bawag ng hilaw. Ngunit iwasan kumain ng sobra maraming bawang, lalo na kung bago magpa-opera.
5.     Luyang Dilaw o Turmeric – May sangkap na curcumin ang turmeric na may blood thinning at anticoagulant properties, o nakaka-labnaw ng dugo. Maaaring ihalo ang turmeric sa sabaw, o sa mainit na tubig o tsaa.
6.     Luya o Ginger – May sangkap na salicylate ang luya na mabisang blood thinner. Para makuha ang anticoagulant effects ng luya, mas mabuting kumain ng sariwang luya. Maaaring hiwain ng maliliit na piraso at ihalo sa mga pagkain tulad ng salad, ulam na isda o manok. Ngunit mas mabisa pa rin ang mga resetang gamot ng doctor na blood thinning medications.
 
Babala: Importante na kausapin ang iyong doctor, dahil may mga natural na blood thinners na maaaring di pwedeng ihalo sa rinesetang gamot ng doctor, o kaya mababawasan ang epekto ng resetang gamot.
 
References:
Kim, D. C., Ko, S. K., & Bae, J. S. (2012, April). Anticoagulant activities of curcumin and its derivative [Abstract]. BMB Reports, 45(4), 221–226
 
Marx, W., McKavanagh, D., McCarthy, A. L., Bird, R., Ried, K., Chan, A., … Isenring, L. (2015, October 21). The effect of ginger (Zingiber officinale) on platelet aggregation: A systematic literature review. PloS One, 10(10), e0141119
Vitamin E [Fact sheet]. (2018, March 2)

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.