PANLINIS NG ATAY? Natural na Gamot sa Atay o Liver

Medical Team
is a Medical expert in United States

Tumutulong ang ating atay sa pagtunaw ng pagkain, para magkaroon tayo ng lakas at enerhiya. Nakakatulong din ang atay sa pagsala ng mga dumi sa dugo. Kaya’t pag di umaandar ng maayos ang atay, maaaring magkaroon ng problema sa kalusugan.
Narito ang 6 na pagkain na mistulang gamot na tumutulong mapanatiling malusog ang atay:

1. Suha
Mayaman sa anti-oxidants ang suha, na prumoprotekta sa ating atay. May pagaaral na nagpapatunay na nakakaprotekta ng atay ang pagkain ng suha. Dahil dito, nakakatulong ang suha na mabawasan ang pamamaga at maprotektahan ang cells ng atay.
 
2. Tsaa
May ebidensya na may benepisyo ang tsaa sa atay. Halimbawa, may pagaaral na ang paginom ng green tea ng ilang buwan ay nakakabawas ng stress sa atay, dahil mayaman ang tsaa sa anti-oxidants. May pagaaral din na nagpapatunay na ang paginom ng green tea ay nakakatulong mabawasan ang tsansang magkaroon ng liver cancer. Ganunpaman, dapat magingat ang mga taong meron ng sakit sa atay na uminom ng green tea. Dahil maaaring makasama ang sobrang paginom ng green tea kapag meron ng sakit sa atay.
 
3. Ubas o Grapes
Mayaman sa mga plant compounds at antioxidants ang ubas o katas ng ubas, na nakakabuti sa atay. Napatunayan sa mga pagsusuri ng mga eksperto na maaaring makabawas ng pamamaga at pinsala sa atay ang ubas.
 
4. Kape
Nakakabuti ang paginom ng kape sa atay. May pagaaral na nakakaprotekta ang paginom ng kape sa pagkaroon ng sakit sa atay. Halimbawa, may pagaaral na nagpapatunay na ang paginom ng kape ay nakaka-baba ng tsansang magkaroon ng cirrhosis o pagkasira sa atay. Maaaring makababa rin ng tsansang magkaroon ng liver cancer ang paginom ng kape. May mabuting epekto rin ang kape sa pagiwas sa sakit sa atay at pamamaga ng atay. 
 
5. Broccoli – Mayaman sa fiber ang broccoli, na mabuti sa atay. Nakakatulong daw ang katas ng broccoli sprout o baby na broccoli sa pagprotekta sa atay laban.
 
6. Mani
Mayaman sa nutrisyon ang mani, tulad ng antioxidants at Vitamin E, na nakakabuti sa atay. May pagaaral na nagpapatunay na ang pagkain ng mani ay nakakatulong mabawasan ang tsansang magkaroon ng non-alcoholic fatty liver disease. 
 
Babala:
Nakakatulong lamang ang mga pagkaing nabanggit na mapanatiling malusog ang atay at maiwasan mga sakit sa atay. Hindi nakakalinis ng atay ang mga pagkaing ito. Marami kasing naniniwala sa mga liver detox o cleansing na nakakalinis daw ng dumi sa atay. Wag basta basta maniwala sa mga ito. Dahil base sa pagsusuri ng mga doctor, walang scientific proof na may mga gamot na nakakalinis ng atay.
Ganunapaman, mas nakakatulong ang pagbabago sa mga maling nakasanayan, tulad ng mga sumusunod: 
-       Limitahan ang paginom ng alak.
-       Kumain ng maraming gulay at prutas, at mga pagkaing mayaman sa fiber.
-       Panatilihing tama ang timbang
-       Mag-ehersisyo ng madalas
 
References/ Sources:
Madrigal-Santillán E, Madrigal-Bujaidar E, Álvarez-González I, Sumaya-Martínez MT, Gutiérrez-Salinas J, Bautista M, Morales-González Á, García-Luna y González-Rubio M, Aguilar-Faisal JL, Morales-González JA. Review of natural products with hepatoprotective effects. World J Gastroenterol. 2014 October 28;20(40):14787-804. doi: 10.3748/wjg.v20.i40.14787. PMID: 25356040; PMCID: PMC4209543.
 
Sakata R, Nakamura T, Torimura T, Ueno T, Sata M. Green tea with high-density catechins improves liver function and fat infiltration in non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD) patients: a double-blind placebo-controlled study. Int J Mol Med. 2013 November;32(5):989-94. doi: 10.3892/ijmm.2013.1503. Epub 2013 September20. PMID: 24065295.
 
de Moura CF, Ribeiro FA, Handan BA, Aguiar O, Oshima CT, Ribeiro DA. Grape Juice Concentrate Protects Rat Liver Against Cadmium Intoxication: Histopathology, Cytochrome C and Metalloproteinases Expression. Drug Res (Stuttg). 2016 Jul;66(7):339-44. doi: 10.1055/s-0035-1569452. Epub 2016 Apr 7. PMID: 27056637.
 
Morisco F, Lembo V, Mazzone G, Camera S, Caporaso N. Coffee and liver health. J Clin Gastroenterol. 2014 November-December;48 Suppl 1:S87-90. doi: 10.1097/MCG.0000000000000240. PMID: 25291138.
 
Yung-Ju Chen, Matthew A Wallig, Elizabeth H Jeffery, Dietary Broccoli Lessens Development of Fatty Liver and Liver Cancer in Mice Given Diethylnitrosamine and Fed a Western or Control Diet, The Journal of Nutrition, Volume 146, Issue 3, March 2016, Pages 542–550, https://doi.org/10.3945/jn.115.228148
 
Chen, Bing Bing et al. “Association between nut intake and non-alcoholic fatty liver disease risk: a retrospective case-control study in a sample of Chinese Han adults.” BMJ open vol. 9,9 e028961. 4 Sep. 2019, doi:10.1136/bmjopen-2019-028961

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.