Panlinis ng Baga: Halamang Gamot sa Baga

Medical Team
is a Medical expert in United States

Napakamahalaga sa kabuuang kalusugan ng katawan ang pagkakaroon ng malusog na baga. Mawalan ka nga lang ng hininga ng ilang minuto, pwede ka ng mamatay o mabaldado.

Wag rin natin mamaliitin ang problema sa baga, dahil di alam ng nakakarami na marami ang may sakit sa baga. Halimbawa, baka di mo alam, meron ka na pala COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease, na sanhi ng madalas na paglanghap ng mga masasamang usok sa ere.
 
At kahit di ka naninigarilyo, maaaring makalanghap rin ng usok ng paninigarilyo ng iba, o tinatawag na secondhand smoke. Masama rin sa baga ang usok ng sasakyan at polusyon na galing sa pabrika. Pag nakalanghap ng mga maduduming sangkap sa ere, maaaring makaranas ng paginit ng baga at paninikip ng dibdib. Kaya’t importante na malaman kung paano malinisan at mapanatiling malusog ang baga.
 
Narito iilang teknik at pagkaing nakakalinis ng baga:
 
Suob o Tuob
Ang steam therapy o suob ay ang paghinga ng usok ng mainit na tubig, tulad ng sa pinakulong tubig o sa tubig sa hot shower heater. Langhapin ang usok ng mainit na tubig at huminga ng palabas. Nakakabukas ito ng daanan ng hangin at nakakatulong para lumambot ang plema sa baga. Maaaring makatulong din ito sa pagpapaginhawa ng mga taong hirap huminga o may sakit na chronic obstructive pulmonary disease o COPD.
 
Talaba
Mayaman sa nutrisyon na mahalaga sa baga ang mga talaba o oysters. Kasama na sa mga nutrisyon na makukuha ay ang zinc, selenium, Vitamin B at copper. Base sa mga pagaaral, nagpapatibay ng pagandar ng baga ang selenium at copper. Ang zinc at vitamin B naman ay mabuti sa mga naninigarilyo dahil ang paninigarilyo ay nakakakbawas ng vitamin b sa katawan.
 
Kape
Mayaman sa antioxidants ang kape na masustansya sa ating baga. Base sa pagaaaral, nakakatulong mapaganda ang pagandar ng baga ang paginom ng kape. Nakakatulong din ito maiwasan ang mga sakit sa baga. Halimbawa, may pagaaaral na nagsasabing ang paginom ng kape ay nakakababa ng tsansang magkaroon ng asthma at nagpapatibay ng baga.
 
Green tea
Ang paghigop ng green tea ay maaaring makatulong malinisan ang baga. Dahil puno ng anti-oxidants ang green tea, na nakakabawas ng pamamaga o anti-inflammatory. Base sa mga pagaaral, maaaring makaprotekta ang green tea sa lung tissue laban sa mga masamang nalanghap na usok.
 
Ehersisyo
Base sa mga pagaaaral, ang pageehersisyo ay nakakatulong palakasin ang baga, dahil pinapadami nito ang pagpasok ng oxygen sa katawan. Ngunit kausapin muna ang iyong doctor tungkol sa bagong gagawing ehersisyo, kapag may sakit sa baga tulad ng COPD o asthma.
 
Dark chocolate o cacao
Mayaman sa flavonoid antioxidants at theobromine ang cocoa na nakakarelax ng daanan ng hangin sa baga. Makakain ang cocoa sa mga produkto tulad ng dark chocolate. Nakakatulong rin daw ang pagkain ng cocoa para maprotektahan laban sa lung cancer. Base sa mga pagaaral, mas matibay ang baga ng mga taong mas madalas kumain ng pagkain na mayaman sa flavonoid. 
 
Yogurt
Mayaman sa calcium, potassium, phosphorus at selenium ang yogurt. Base sa pagaaral ng mga siyentipiko, nakakatulong ang mga sustansyang ito na mapalakas ang pagandar ng baga.
 
Pinaka-importante pa rin sa kalusugan ng baga ang pagiwas sa mga nakakapinsalang lason sa hangin, tulad ng paninigarilyo at air pollution.
 
Sources/ References:
Lin, Y. S., Caffrey, J. L., Chang, M. H., Dowling, N., & Lin, J. W. (2010). Cigarette smoking, cadmium exposure, and zinc intake on obstructive lung disorder. Respiratory research, 11(1), 53. https://doi.org/10.1186/1465-9921-11-53
 
Scoditti, E., Massaro, M., Garbarino, S., & Toraldo, D. M. (2019). Role of Diet in Chronic Obstructive Pulmonary Disease Prevention and Treatment. Nutrients, 11(6), 1357. https://doi.org/10.3390/nu11061357

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.