PANLINIS NG BITUKA: Colon cleansing o detoxification

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas ginagamit lang ang colon cleansing o panilinis ng bituka bago mag-operasyon. Pero may mga ibang eksperto na naniniwalang maaaring makatulong ang pagtanggal ng mga dumi sa bituka, o tinatawag na detoxification. Naniniwala din sila, pati ang ibang mga celebrities o mga kilalang tao na ang colon cleansing ay maaaring makatulong para magbawas ng timbang o pagalingin ang ibang sakit.
Ngunit base sa siyensiya, wala pang matibay na ebidensiya tungkol dito. Kaya’t mahalaga na magpakonsulta muna sa doctor bago inumin ang anumang sinasabing nakakapagpalinis ng bituka. Ganunpaman, may likas na panlinis ang ating bituka, na pwede nating patibayin sa pamamagitan ng iilang inumin at pagkain: Narito ang iilan:

1. Probiotics
Ang pagdadagdag ng mga probiotics sa ating pagkain ay nakakalinis ng bituka. Tinutulungan nito ang ating colon dahil sa taglay nitong mga good bacteria na nakakapaghilom sa mga komplikasyon sa colon. Ang probiotics ay nakatulong din sa pagtunaw sa ating mga kinain. Madali lang makahanap ng pagkaing mayaman sa probiotics tulad ng yogurt at atsara. Maaari ring uminom ng apple cider vinegar, sa pamamagitan ng paghalo ng isang kutsarang pulot, isang kutsarang apple cider vinegar at isang (1) basong maligamgam na tubig.
 
2. Prutas at Gulay na Sagana sa Fiber
Nakakatulong rin sa paglinis ng bituka ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ang fiber na nakakain natin ay dumadagdag at nagpapabilis ng pag-proseso ng dumi palabas ng ating katawan. Ilan sa mga pagkaing may fiber na nabibili sa mga palengke o pamilihan ay ang papaya, mani, sitaw, mansanas, at kangkong.
Ang pag-inom ng mga katas ng prutas at gulay ay hindi lamang nakakapagpalusog ng katawan kundi nakakalinis din ng ating colon. Siksik ang mga pagkaing ito sa mga bitamina at fiber na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain. Nakakadagdag din ito sa tubig ng katawan at nakakatulong sa maayos na pagbabawas. Isang madaling paraan ng paggawa nito ay ang paglalagay ng isang (1) maliit na papaya, dalawang (2) mansanas, at isang (2) basong tubig sa blender. Hayaang madurog at maghalo ang mga prutas bago ilipat sa baso.
 
3. Pag-Inom Ng Tubig
Ang pag-inom ng 8-10 baso ng tubig ay nakakatulong upang linisin ang ating bituka. Sa maraming pag-aaral na isinagawa sa ibang bansa, napag-alaman na ang regular na pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang maiwasan ang kanser sa colon. Ang taong kulang sa tubig ay nahihihirapan magbawas dahil sa pagsipsip ng colon kaya tumitigas at mahirap mailabas ang dumi. Mas mainam ding kumain ng mga prutas at gulay na matubig gaya ng pakwan, kamatis, at pipino.

Sistemang panunaw
Ang sistemang panunaw ay ang mga bahagi ng katawan na binubuo ng bibig, sikmura, atay, apdo, esopago, at mga bituka. Malaki ang kontribusyon ng sistemang ito sa ating pangkalahatang kalusugan dahil tinutunaw nito ang ating pagkain upang maging sustanya sa ating katawan. Ang mga sustansya galing sa ating kinakain at iniinom ay nagsisilbing enerhiya ng ating katawan upang maging malusog at gumana ng maayos.

Colon o malaking bituka
Ang colon o ang malaking bituka ay bahagi ng sistemang ito. Ang pagkain galing sa ating bibig ay bumababa sa iba pang bahagi ng sistemang panunaw hanggang umabot ito sa colon. Ang colon ang nag-aalis ng tubig at iba pang likido galing sa tinunaw na pagkain.

Lahat ng sobra ay masama, kaya dapat isipin na gawin lamang ito sa naayong bilang. Kung maari, kumunsulta muna sa doktor bago simulan ang paglilinis ng colon.
Ayon sa mga naniniwala sa colon cleansing, kung magagawa daw ng maayos, ang paglilinis na ito ay mayroong daw benepisyo sa katawan. Ang mga sumusunod ay ang pinapaniwalaang mga kapakinabangan nito:
- Pagtatanggal ng mga lason at dumi sa katawan
- Pagpapababa ng posibilidad ng kanser sa colon
- Nakakapagpalakas ng katawan
- Kasiglahan at maayos na pakiramdam sa sarili

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.