Panlusaw ng Asin sa Katawan: Ano Pantanggal ng Asin sa Mukha

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bumibilis ba tibok ng puso mo? Nagmamanas ang mukha o katawan? O nahihirapan makatulog? Maaaring mag-react ang katawan sa sobrang asin na nakain. Base sa pagaaral ng mga eksperto, ang pagbawas ng pagkain ng asin, ay nakakababa ng blood pressure, lalo na sa mga nagkaka-edad na. Malimit sa mga Pilipino ang high blood pressure, na karaniwang sanhi ng sakit sa puso. Sa katagalan, nakakasama rin ang sobrang asin sa ating kidney.
 
Narito ang mga teknik upang matanggal ang asin sa katawan:

1.    Potassium – Nagsisilbing pangontra ang potassium sa asin sa ating katawan. At di lang nakakabawas ng sodium sa katawan ang potassium, kundi nakakababa rin ito ng blood pressure. Mahahanap ang potassium sa mga pagkaing gulay tulad ng kamote, patatas, kamatis, beans, yogurt, at saging.
2.    Bawasan ang mga processed foods - Karamihan sa sodium na nakakain natin ay hindi galing sa asin na kinakain natin, kundi sa processed food tulad ng mga delata. Ang mga halimbawa pa ng mga processed foods na kadalasang mataas sa asin ay ang ham, hotdog, chicken nuggets at mga delata.
3.    Dagdagan ng spices – Kapag natatabangan sa pagkain, imbis na asin ang ihalo pampalasa, maaaring damihan nalang ang ibang spices tulad ng bawang, luya, sibuyas, suka, paminta, turmeric, chili, basil, calamansi, at iba pa. Nakakadagdag ng lasa ang mga ito para mas ganahan din kumain. Para sa mga karne, maaaring lagyan ng paprika o rosemary. Sa gulay naman, maaaring ihalo ang basil o thyme. Masarap din ang paminta at calamansi sa isda, manok at gulay.
4.    Kumain ng mas maraming prutas at gulay – Di lang mababa sa sodium ang mga gulay at prutas, mayaman din sa potassium ang mga ito. Di tulad ng manok na kadalaan ini-inject ng saline solution o ng tubig asin.
5.    Basahin ang label kapag bumibili sa grocery – Halimbawa, piliin ang mga may nakalagay na “No salt added” o “30% Less salt”.
6.    Ehersisyo – Nakakabawas ng sodium sa katawan ang pag ehersisyo ng madalas. Dahil natural na lumalabas ang tubig at asin sa katawan kapag nagpapawis tayo. Ngunit importante rin na maraming inumin na tubig habang nageehersisyo upang di madehydrate.
 
References/ Sources:
Ellison, David H, and Andrew S Terker. “Why Your Mother Was Right: How Potassium Intake Reduces Blood Pressure.” Transactions of the American Clinical and Climatological Association vol. 126 (2015): 46-55.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.