Bakit may masangsang na amoy na lumalabas sa aking ari? Sintomas ba yun na buntis ako? Kelan pwede mag PT?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Kung may posibilidad na mabuntis ako. Huling period ko po May 03, 2021. Nagmake love po kami ni bf noong May 16,2021 at sa loob niya po nailabas. Nasundan po ang make love namin noong May 21, 2021 at sa loob niya po ulit inilabas. Napansin din po pala namin nitong May 21 eh may masangsang na amoy po yung lumabas po sakin. Ano po kaya ang dahilan ng amoy? At noong May 28, 2021, kahapon po may nangyari po ulit sa amin pwro hindi na po sa loob. Withdrawal na po at kasabay po non may dugong lumabas sakin. Hindi po kadamihan yung dugo. Posible po bang buntis ako o regla na po yon. At concern ko po ulit yung masangsang na amoy. At ngayong araw po May 29, 2021 dinugo po ulit ako. Senyales po ba ito ng regla or implantation bleeding. Pwede na po ba akong magPT? Please sana po masagot. Sobrang nakakaparanoid na po kakaisip.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Ang masangsang na amoy ay maaaring dahilan ng impeksyon sa iyong ari o kaya nama'y dulot ng iyong paparating na regla. Kung kayo ay nagtalik sa malapit sa araw na ikaw ay nag0-ovulate, maaaring ikaw ay mabuntis. Nguniy kung ikaw ay dinatnan na ng iyong regla sa buwan na ito, nangangahulugan na ikaw ay hindi buntis.
Pinakamabisang mag-take ng PT 2 linggo hanggang 1 buwan matapos ang petsa na ikaw ay hindi dinatnan.
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kamusta ka? Ang general rule ay kung may regular period ka, hindi ka buntis. Ang normal na menstrual period ay nasa humigit kumulang tamang petsa, nasa pangkaraniwan na daloy, at nagtatagal ng mga 3-5 days.
 
May mga buntis na nagkaka-vaginal bleeding, lalo na sa mga bagong buntis pa lamang. Ngunit hindi ito katulad ng regular mensturation, dahil mas maliwanag ang kulay (lighter color) ng regla at irregular, parang spotting (or post implantation bleeding).Madaming dahilan kung bakit nade-delay ang mensturation, tulad ng stress, pagbabago ng oras tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), paginom ng gamot, sakit, sobrang pagehersisyo, at iba pa.
 
Upang makasiguro, pinakamaganda ay magpa-pregnancy test. Mayroong mga over the counter pregnancy test kits sa pharmacy, o pumunta kaagad sa pinakamalapit na OB Gyne upang mag-pregnancy test at para sa mas komprehensibong consultasyon. Ano man ang mangyari, sana ay mabuti ang iyong kalagayan. Kapag buntis ka, tatanggapin mo kasi blessing yan ng Diyos. Magdasal at kausapin ang iyong partner o mga mahal mo sa buhay. Maaayos din ang lahat. 
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello doc. Asko ko lang po. Im taking dianne pills po, hindi ko po nainom yun dalawang huling pills ng pack, noong June 9 and June 10, then may unprotected sex na nangyayari nun June 10 and sa 7 days na rest,tapos June 16 po,nagstart po yun mens ko pero mahina lang po,then 1st day ko rin po nag start ulit ng isang pack, huminto po siya,may possibility po ba na implantation bleeding po iyon? May nabuo po kaya kahit malapit na ang mens ko that time? Thanks po.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.