Pwede na po bang patayuan ng bahay ang lupa na may titulo kami, ngunit may nagha

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwede na po bang patayuan ng bahay ang lupa na may titulo kami, ngunit may naghahabol na ibang tao at hawak nila ay tax declaration? Ganito po kasi yon, may lupa ang lola ko. nakapangalan pa sa kanya ang tax declaration, ngayon inayus namin inaply ng titulo at nilipat sa pangalan ng tatay ko. nakakuha kami ng titulo itong taon lang. gusto na namin patayuan ng bahay ang lupa, ngunit ayaw pumayag ng dating humawak sa lupa. dahil meron daw silang hawak na tax declaration, at binenta daw sa kanila ang lupa ng lola. may pinakita silang tax declaration dated 2009 pa, di namin alam kung peke or tunay iyon. paano po ba malalaman kung tunay o peke ang tax declaration nila? maaari ko na bang patayuan ng bahay ang lupa, wala po bang magiging probleama? salamat po..


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hi, I would presume na yong pagkalipat ng titulo sa pangalan ng tatay mo ay sa pamamagitan ng legal na paraan kagaya ng binili ninyo ito o kaya nakuha as mana ng tatay mo. Ngayon ang titulo ay mas may higit na karapatan kaysa isang tax declaration lamang. Malalaman lang kong ang tax declaration ay fake if maexamine o makikita ito hindi tamang husgahan ng hindi pa ito nakikita. Kung ang mga taong sinasabi mo na pumipigil ay hindi nakatira sa lupa na gusto ninyong tayoan ng bahay din ok lang magtayo kau may titulo kayong maipakita. Pero kung nandoon na sila nakatira kailangan mo muna ninyo silang paalisin bago kau makapagpatayo ng bahay. Hayaan mo silang maghabla ng kaso laban sa inyo ang importante naa sa inyo ang titulo at nailipat ito sa legal na paraan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sa mana po, dahil patay na ang Lola. Salamat po ng marami ma'am..God bless you po..
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Welcome. Last advice dapat siguro ninyong i check kung ano ang hawak na katibayan mayroon sila baka may deed of absolute sale sila permado ng lola at mga anak ng lola mo kaya lang hindi nila naparehistro ito o hindi pa nila pinaprocess ang pagpapatitulo. Kung ganoon maaring maghabla sila ng kaso sa inyo. Sila ang mag establish ng evidence of ownership laban sa inyo. If this happen mangangailangan na kayo ng abogado maghahandle sa kaso ninyo.
Leakim Caluza
is a Senior Safety Supervisor in the Philippines
Mas maigi po na pumunta po kayo sa DENR na nakakasakop sa lugar niyo at dahhin nyo ang tax declaration na hawak nyo. Ipaverify nyo dun kung totoong nakapangalan na sa kanila ang lupa o naibenta na sa kanila. Ngayon po kung ang lupang hawak nyo ay inayos at ang namamahala sa loob ng mahabang panahon ay ang sinasabi mo na may tax declaration din, may karapatan sila sa lupa na yun dahil sila ang namahala ng mahabang panahon at hindi kayo pero di nangangahulugan na mapapasakanila yung lupa. Mas maganda na humingi kayo ng payo sa isang abugado o magsadya sa DENR.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.