Pwede pa ba mabuhay pagkatapos huminto ang puso o mamatay?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maraming takot mamatay at gustong mabuhay ng hanggat kaya o kung, kaya pa nga, ay walang katapusan na mabuhay eh. Ang iba naman ay naniniwala na baka pwedeng buhayin pa ang patay.

Pero possible ba ito ayon sa siyensiya? May iba’t ibang paraan ang pinagaaralan ng mga scientists para humaba pa lalo ang buhay ng tao. Isa na rito ang pagbuhay sa mga bangkay pagkaraan ng maraming daang taon, kung kelan ang siyensiya nila sa hinaharap ay sobrang advanced na, para kaya nilang magamot ang sakit ng bangkay at buhayin ito muli.
 
Ngunit magagawa lamang nila ito kapag ang bangkay ay di nabubulok. Kaya’t ilalagay nila ang bangkay sa yelo, o ifreeze nila ito, para ma-preserve o di mabulok. Ang tawag dito sa pag-freeze ng bangkay para muling mabuhay ay cryonics, isang sangay ng cryogenics.
 
Ayon sa paniniwala ng cryonics, bagamat walang lunas ang mga karamdaman na ikinamamatay ng mga tao ngayon, maaaring magkaroon ng teknolohiya sa hinaharap, na kaya na ito maremedyo para mabuhay muli ang taong namatay.  Tulad nalang ng paggamit ng nanotechnology, kung saan kaya ikumpuni ng scientists kahit ang sobrang pinakamaliit na atoms o molecules ng ating katawan.
 
Ngunit maraming kritiko ang di naniniwala sa cryonics, kasama na dito ang ibang mga scientists, na naniniwala na maaaring mapinsala ang utak kapag frineeze ito. Isa pa, anya ng mga kritiko, malaking tsansa na malulugi ang mga kumpanyang gumagawa ng cryonics, dahil nakasalalay ang kita ng mga cryonics companies sa regular na pagbayad ng naiwang kamaganak ng namatay para mapanatiling naka-yelo ang bangkay.
 
Pero marami pa rin ang nagbabasakali na totoong makakabuhay ng bangkay ang cryonics. Lalo na mga sobrang mayayaman, na walang mapaggastusan ng kanilang pera. Sa kasalukuyan, umaabot ng mga 2 Million piso hanggang 10 million pesos ang halaga ng pagpreserve ng bangkay gamit ang cryonics.
 
At base sa datos noong 2014, mayroong mga 250 na bangkay ang na-preserve ng cryonics.  At mahigit 1,500 na tao na rin ang nagpalista sa cryopreservation.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.