Sakit na nakukuha sa Instant Noodles

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madaling lutuin, masarap at mura pa ang instant noodles. Ngunit nakakasama ba ito sa kalusugan? Ayon sa research ng mga eksperto, nakakasama ang instant noodles pag madalas o araw-araw ito kinakain. At di porket hinanaluan mo ng gulay ang instant noodle ay magiging masustansya na ito.

Narito ang mga maaaring maging dulot ng palaging pagkain ng instant noodles:
 
1.     Cancer – Dahil ang instant noodles ay isang uri ng processed food, matagal ito matunaw, kaya’t napepwersa ang ating panunaw o digestive system. Kapag matagal ito naka-stambay sa loob ng ating katawan, maaaring ma-expose ang ating katawan sa mga preservatives na carcinogenic o nakaka-cancer.
2.     Katabaan – Mayroong sangkap na MSG o vetsin ang instant noodles, na napatunayang nakakataba pag madalas nakakain. Base sa isang pagaaral, mas malaki ang tsansang tumaba o maging overweight ang taong madaming nakain na vetsin. Nakakadulot din ng pananakit ng ulo at panghihina ang betsin o monosodium glutamate.
3.     Sakit sa Puso – Base sa ilang pagaaral ng mga eksperto, mas malaki ang tsansang magkaroon ng heart disease o stroke ang mga taong madalas kumain ng instant noodles. Ito ay dahil kasama sa proseso ng paghanda ng instant noodles ng mga manufacturers ang pagprito o deep fry ng instant noodles bago ito pina-pack. Kaya’t mataas rin ito sa saturated fats.
4.     Diabetes –  Mataas sa carbohydrates ang instant noodles at supplements na nakakataas ng blood sugar level.
5.     Altapresyon – Dahil mataas ang sodium o asin sa instant noodles, maaaring makasanhi ito ng high blood pressure. Base sa mga pagaaral ng eksperto, sa katagalan, nakakababa ng tsansang magkaroon ng high blood kapag binawasan ang pagkonsumo ng sodium.
6.     Kidney disease – Maaaring makasama ang mga food additives ng instant noodles sa ating bato o kidney. At dahil mataas ito sa sodium o asin, nakakasama rin ito sa ating kidney.
 
 
Tandaan rin na ang mayroong mga instant noodles na naglalaman ng 2  servings kada pack. Ibig sabihin, kapag inubos mo ang buong pack, doble ang nakain mong calories at additivies, base sa nakalagay sa food label.
 
Wala naman masama kapag paminsan minsan kumakain ng instant noodles. Ngunit kapag inaraw-araw, magiipon ang mga masamang epekto na maaaring magdulot ng sakit sa katagalan. Tandaan rin na nakaka-addict ang pagkain ng instant noodles, dahil naglalaman ito ng kansui at vetsin.
 
Sources:
 
Huh, In Sil et al. “Instant noodle consumption is associated with cardiometabolic risk factors among college students in Seoul.” Nutrition research and practice vol. 11,3 (2017): 232-239. doi:10.4162/nrp.2017.11.3.232
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.