Sakit na Nakukuha sa Laway: Signs ng Kissing Disease

Medical Team
is a Medical expert in United States

Masarap humalik at may benepisyo rin ito sa kalusugan, pero kelangan din nating malaman kung ano ang mga sakit na maaaring makuha sa laway at ano mga bakas nito para maiwasan.
Madaming sakit ang maaaring mapasa sa laway, ngunit ang sakit na tinatawag na “kissing disease” ang pinaka-karaniwan. Tinatayang 95% ng tao sa mundo ang nagkaroon na ng virus na dulot nitong kissing disease, minsan sa buhay nila. Kasi, madalas banayad lang ang sintomas nito at karaniwang kusang gumagaling, kaya’t binabalewala. Ayon sa mga pag-aaral, 90% ng kaso ng mononucleosis ay dahil sa Epstein-Barr. Subalit mayroon ding ibang mikrobyo at impeksyon na maaring makapagdulot nito gaya ng Rubella, Adenovirus, at Hepatitis [2].

Pero mahalang malaman tungkol sa sakit na ito, para di mapasa sa mga anak o pamilya, lalo na sa mga teenager. Dahil karaniwang mas maselan daw mga kabataan sa sakit na ito. Kelangan ding magingat, dahil maaari ring magdulot ng komplikasyon tulad ng pagputok ng lapay, pamamaga ng bato at puso, anemia at pagbara ng daluyan ng hangin.
At di lang nakukuha itong sakit sa paghalik, kundi sa paggamit rin ng baso o kubyertos ng iba. Kaya’t kelangan mag-ingat mga taong mahilig makipagtagay sa inuman, na nakikihati ng basong inumin.
Ang tinutukoy na sakit ay ang Mononucleosis na karaniwang sanhi ng Epstein-Barr virus.
Kadalasang lumalabas ang mga sintomas ng mononucleosis sa loob ng apat hanggang anim na linggo.
Ang mga mikrobyong nagdudulot ng mononucleosis ay lubhang nakakahawa. Kilala rin ang mononucleosis sa tawag na kissing disease dahil ito ay kumakalat sa pamamagitan ng mga likido ng katawan gaya ng laway [2]. Ang mga sumusunod ay ang karaniwang paraan ng pagkalat nito:
1.    Ang paghalik at pakikipagtalik
2.    Paggamit ng mga kuyertos na nagamit ng maysakit
3.    Pagbabahagi ng pinagkainan o ininuman ng taong mayroong mononucleosis
4.    Pagbahing o pag-ubo
5.    Pagsasalin ng dugo at organ transplant
Ilan sa mga pinakamadalas na sintomas at palatandaan ng mononucleosis ay ang sumusunod:
1.    Mataas na lagnat (38.33 – 40 degrees Celsius) at panlalamig
2.    Pamamaga ng lalamunan at kulani sa katawan lalo na sa leeg
3.    Sakit sa ulo at katawan
4.    Kawalan ng gana kumain
5.    Pagiging matamlay at pagkapagod
6.    Pamamantal
Ang lagnat at pamamaga ng lalamunan ay kalimitang kusang nawawala sa loob ng dalawang linggo samantalang ang pagkapagod, pamamaga ng kulani ay maaring magtagal ng ilan pang linggo. May ilang pag-aaral rin na nagpakita na sa ilang kaso ng mononucleosis, ang mga maysakit ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, anemia, pagsusuka, at pagduduwal.
Pero di naman ibig sabihin na kelangan iwasan ang paghalik sa minamahal na matagal mo ng kakilala at kinakasama, kung nagiingat naman kayo, at kadalasang di naman malubha ang nakukuhang sakit. Mag-ingat lamang sa paggamit ng gamit o kubyertos ng iba, o makihati ng inumin o pagkain. Iwasan rin humalik sa may sakit, lalo na ang mga may ubo’t sipon. Iwasan rin halikan ang taong may sugat o paltos sa labi o bandang bibig, dahil karaniwang senyales ito ng STD na napapasa sa bibig. Panatilihing malinis ang bibig sa pamamagitan ng pagsipilyo at pagmumog ng bibig ng madalas, dahil napapasa rin sa paghalik o laway ang bacteryang dulot ng pagbulok ng ngipin at gingivitis o pagdugo ng ngipin.
Ang Esptein-Barr ay maaaring magdulot ng mas malalang sakit sa mga taong mayroong karamdaman sa immune system. Ang mga taong may mahinang immune system gaya ng HIV/AIDS at umiinom ng mga gamot pagkatapos ng operasyon ay ilan lamang dito [Mayoclinic].
Ang pagkakaroon ng mononucleosis ay namamataan sa pamamagitan ng pagsusuri sa medikal na kasaysayan at mga eksaminasyon. Ang pagsusuri sa dugo gaya ng Epstein-Barr Virus (EBV) antibody tests at complete blood count (CBC) ay nakakatulong upang malaman kung mononucleosis ang nagdudulot ng mga komplikasyon sa maysakit o hindi. Maari rin sumailalim sa pagsusuri sa atay upang malaman ang sitwasyon nito at kung may pamamaga [4].
Walang bakuna o gamot panlaban sa mononucleosis. Upang maiwasan ang pagkakaroon nito, nirerekomenda na hindi makigamit ng mga personal na bagay gaya ng sipilyo at kubyertos at makihati ng pagkain o inumin ng ibang tao [1].
[1]Centers for Disease Control and Prevention. 2020. Epstein-Barr Virus and Infectious Mononucleosis. Retrieved from: https://www.cdc.gov/epstein-barr/about-mono.html
[2]Cleveland Clinic. N. d. Mononucleosis. Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/13974-mononucleosis
[3]Mayoclinic. N. d. Mononucleosis. Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/mononucleosis/symptoms-causes/syc-20350328
[4]University of California, Berkeley. 2009. Mononucleosis (Mono) Fact Sheet. Retrieved from: https://uhs.berkeley.edu/sites/default/files/Mononucleosis.pdf
[5]Womack, J. and Jimenez, M. 2015. Common Questions About Infectious Mononucleosis. Retrieved from: https://www.aafp.org/pubs/afp/issues/2015/0315/p372.html

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.