Sariling Sikap: Bunga ng HILOT o pag-masahe sa sarili

Medical Team
is a Medical expert in United States

Napakaraming benepisyo ng hilot sa atitng kalusugan, ngunit hindi lahat ay may pera para magpamasahe sa masahista o manghihilot. Ang iba naman ay takot magpahawak sa iba dahil baka mahawaan ng sakit.

Kaya't napakamahalaga ang matutunan kung paano mag-masahe sa sarili, dahil pwede mo itong gawin kahit anong oras. Di lang yan, matutukoy mo rin kaagad kung saang eksaktong parte ng iyong katawan ang masarap hilutin o kailangang diinan. Dagdag pa dito, di mo na kelangan lumabas ng bahay para magpamasahe.
 
Isisiwalat nitong maikling video kung ano mga importanteng benepisyo ng massage o hilot. Pagkatapos ay ituturo namin kung ano ang tamang paraan ng pagmasahe sa sarili. Kaya’t panuorin ang video hanggang sa huli.
 
Nakakatulong ang paghimas ng katawan sa paglabas ng tensyon, para ma-relax at matanggal ang stress. Nakakapagpaluwag din ng pagdaloy ng dugo ang pagmasahe sa katawan. Pag ipit ang ating mga muscles, mahirap dumaloy ang dugo, kaya’t di nakakatanggap ang bawat parte ng ating katawan ng nutrisyon. Sa katagalan, nagiging banat ang muscles at tensyonado.
 
Narito ang iilang klaseng teknik sa pagmasahe ng mga pinaka-karaniwan na sakit sa batok, ulo, hita at likod:
1.     Pananakit ng Batok o Leeg – Karaniwang sanhi ito ng maling tindig o postura. Halimbawa, kapag nakakuba ang ulo habang na-se-cellphone o laptop, nagbabasa habang nakahiga sa kama.
Paraan sa pagmasahe ng sariling batok o leeg:
-       I-relax at ibaba ang balikat. Idiretso naman ang leeg at likod.
-       Tumbukin ang mga lugar sa leeg na sumasakit. Diinian ito gamit ang iyong daliri.
-       Gawin ito ng mga 3-5 minutes.
 
2.     Pananakit ng Ulo – Kapag nakakaranas ng pananakit ng ulo, nakaatulong ang pagmasahe sa sarili sa paglabas ng tensyon at marelax ang sarili. Lalo ito nakakatulong kung ang sanhi ng pananakit ng ulo ay dahil sa stress.
Paraan sa pagmasahe ng sariling ulo:
-       Ibaba at i-relax ang mga balikat. I-diretso ang leeg at likod.
-       Magumpisa sa ibaba ng ulo, sa ibabaw ng tenga. Ilapat ang dulo ng hintuturo at gitnang dairi ng bawat kamay sa sentro.
-       Diinan ang daliri ng bahagya at dahan dahang padulasin ang daliri pataas. Pakiramdaman kung saang lugar masarap itungo ang daliri.
-       Ikutin ang daliri sa lugar na masakit o nagnagalay. Diinan ang mga lugar na naninigas.
 
May iba pang pagmasahe ng sarili sa ulo, kaya’t pwedeng pakiramdaman ang sarili kung saan sa ulo ang nakakaginhawa kapag hinihilot o dinidiin.
 
3.     Pananakit ng Hita – May iba’t ibang klaseng paraan sa pagmasahe ng sariling hita. Isa rito ang paghilot ng binti.
-       Idiretso ang paa at binti at ilapat ang mga daliri sa may bukong-bukong. Maaring gamitin ang parehas na kamay para sabay ang pagmasahe sa magkabilang binti.
-       Idiin ang mga daliri habang inaakyat ito sa hita. Maaaring ibahin ang diin ng pagmasahe, para maramdaman ang iba’t ibang pwersa.
-       Pagkatapos, ibalik ang daliri sa bukong-bukong ulit at ulitin ang paghilot. Maaring gawin ito ng mga 10 beses.
 
4.     Pananakit ng Likod – Karaniwang nararanasan ng marami ang pananakit ang likod. Maraming maaaring sanhi nito tulad ng muscle strain o spasms o bali sa buto.
Paraan ng pagmasahe sa sariling likod:
-       Umupo at idiretso ang likod.
-       Ilapat ang dalawang hinlalaki sa may bandang taas ng puwet
-       Iikot ang hinlalaki sa batok, pagkatapos itaas baba.
-       Diinan ang mga lugar na naninigas, pagkatapos bitawan.
-       Ulitin ng ilang beses at huminga ng malalim.
 
Sapat na ang 5 minutong pagmasahe sa bawat parte ng katawan. Nakakatulong din ito sa pagkaroon ng tamang postura. Maaari ring sabayan ng pag-unat ng katawan at paghinga ng malalim. 
 
Babala:
Nakakatulong ang pagmasahe sa sarili kapag banayad lamang ang nararamdamang sakit. Ngunit kapag matindi ang sakit at hindi nawawala, pinakamabuting magpatingin sa doctor.
 
Pansinin din kung ano nararamdaman pagkatapos magmasahe. Kapag hindi nawawala ang pananakit ng katawan o mas lumala pa, siguro hindi masahe ang solusyon para dito.
 
Kausapin ang iyong doctor kapag hindi bumuti ang iyong pakiramdam.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.