Signs na may Taning na ang buhay mo

Medical Team
is a Medical expert in United States

Minsan may mga malubhang sakit na bigla nalang sumusulpot ng walang babala. Kaya’t buhay ang nakataya kapag alam natin mga warning signs. Para maagapan kaagad at masalba ang buhay.
1.     Pananakit ng dibdib – Maaaring sumasakit lang ang masel sa dibdib ang dahilan, ngunit kelangan din magingat dahil baka inaatake narin sa puso. Ramdaman kung gaano kasakit ang nararamdaman. Kapag sobrang sakit at biglaan, pumunta kaagad sa ospital. Pag madalas naman nakakaramdam nito, wag ipasawalang bahala. Magpatingin kaagad sa doctor. 
2.     Pananakit sa may tiyan – Katulad ng pananakit ng dibdib, maaaring may iba’t ibang dahilan nito. Maaaring may nakain lang na bulok o may dumi. Ngunit pag madalas makaramdam nito, maaaring senyales ito ng malalang karamdaman tulad ng gastrointestinal disease o cancer. Pansinin din kung gaano kasakit ang nararamdaman, at kung may naiiba sa kulay ng dumi.
3.     Biglang pagbawas ng timbang – Kapag biglang bumaba timbang ng walang dahilan, maaaring may panganib sa kalusugan. Dahil maaaring indikasyon ito ng malalang karamdaman tulad ng diabetes, problema sa thyroid, at heart failure. Katulad ng pagbawas ng timbang, pag nawawalan ng gana kumain ay maaaring senyales ng malubhang karamdaman. Siyempre, kapag minsan mo lang naramdaman ito at dahil busog ka, di kelangan magalala. Ngunit kapag madalas ka makaramdam nito at bumababa ang iyong timbang, magpatingin kaagad sa doctor.
4.     Panghihina - Di naman kelangan magalala kung dahil ito sa kulang sa tulog o pagod. Ngunit kapag pakiramdam mo ay palagi kang pagod, kahit nakapagpahinga at nakatulog ng mahaba, maaaring senyales ito ng malalamang karamdaman tulad ng sakit sa puso, diabetes o sleep apnea.
5.     Hirap huminga - Di tinutukoy dito ang panghahapo pagkatapos tumakbo o magehersisyo. Ang tinutukoy ay ang mababaw pero mabilis na paghinga na maaaring indikasyon ng sakit sa puso o baga.  Kapag biglaang nahirapan huminga, maaaring asthma ito, mababa ang blood pressure o pulmonary embolism (blood clot sa baga). Pag madalas naman nararanasan ang hirap sa paghinga, maaaring indikasyon ito ng COPD, pulmonary edema o tumig sab aga, at ibang sakit sa baga.
6.     Pagmamanas ng paa - Ang pagmamanas ng binti o bukong bukong ay maaaring sanhi ng pilay. Ngunit kung wala naming nakitang pilay, maaaari itong sintomas ng mas malalang karamdaman Halimbawa, ang pagmamanas ng paa o binti ay maaaring senyales ng impeksiyon sap aa o mahinang daloy ng dugo sa katawan. Maaaring senyales ito ng heart failure, kidney failure, o liver failure. Dahil ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng sobrang tubig sa katawan, na humahantong sa pamamanas. Magpatingin sa doctor kapag lumala ang pagmamanas.
7.     Pag-iiba ng kulay ng balat – Ayon sa mga dermatologists, ang pagiiba ng kulay ng balat ay maaaring indikasyon ng karamdaman sa loob ng katawan. Halimbawa ang paninilaw ng kulay ng balat ay maaaring senyales ng sakit sa atay. Ganoon din ang pagkakaroon ng pantal sa balat, lalo na kapag may iba pang sakit na nararamdaman tulad ng lagnat at pananakit ng katawan. Ang kakaibang tumutubo naman sa balat ay maaaring sintomas ng skin cancer. Magpatingin kaagad sa doctor.
 
Mas mabuting maagapan, kaysa magsisi sa huli.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.