Sikreto para maka-Buo ng Lalakeng Sanggol o Anak

Medical Team
is a Medical expert in United States

Gusto mo bang magkaroon ng anak na lalake? Matagal mo na bang hinahangad magka-Junior? 

Kadalasan sa mga pinoy gustong magkaanak man lang na kahit isang lalake, para may tagapagmana ng apelyido. Ngunit kaya bang kontrolin kung anong kasarian ng sanggol, ayon sa siyensiya?
 
Noong 1960s, may isang doktor na pangalan ay Landrum Shettles, ang inanunsyo na may nadiskubre daw siyang mga maaaring gawin para piliin ang nais na kasarian ng sanggol. Ang tawag dito ay Shettles method. Bagamat walang matibay na ebidensya o pagaaral kung epektibo ba ito, maraming taong na nakasubok ang nagpapatunay na mabisa raw ito.
 
Base sa Shettles method, para magkabuo ng lalakeng sanggol, eto ang mga dapat gawin:
-       Posisyon: Kapag nagko-contact, dapat sagad na sagad. Kaya’t mas mabuti kapag naka-patalikod ang babae na parang aso ang posisyon.
-       Kelan mag-contact: Mas mabuting magcontact lang sa loob ng 2 linggo bago inaasahang magkaroon ng regla ang babae
-       Sinong mauna: Mas mabuti raw kung unang malabasan ang babae
-       Pwede rin daw na buhusan ng pinaghalong isang basong tubig at kalahating kutsarang baking soda. Ngunit mas mabuting iwasan na lang ito, dahil ang pagbuhos ng anumang likido sa loob, o tinatawag na douching, dahil maaaring magdulot ito ng pagdami ng bacteria at impeksiyon sa ari.
 
Sa kabilang banda, mas mabilis daw magkaroon ng babaeng sanggol, kapag eto ang mga gagawin:
-       Posisyon: Magkaharap kapag nagko-contact, para mababaw lang ang pasok.
-       Kelan mag-contact: Mas mainam na mag-contact sa loob ng unang linggo pagkatapos ng regla
-       Sinong mauna: Mas mabuti raw kung lalake ang maunang labasan
-       Mabuti rin daw na buhusan ng pinaghalong isang basong tubig at kalahating kutsarang suka. Ngunit mas mabuting wag na lang gawin ito, dahil ang pagbuhos ng anumang likido sa loob, o tinatawag na douching, dahil maaaring magdulot ito ng pagdami ng bacteria at impeksiyon sa ari.
 
 
Bagamat walang pagaaral na nagpapatunay na epektibo ito, pinagmamalaki ni Dr. Shettles na 80% ng kanyang pasyente ay nagtatagumpay sa pagpili ng kasarian ng kanilang anak.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.