Sikretong Teknik ng mga Bilyonaryo at pinaka-mayamang tao sa mundo: Ano ang visualization at law of attraction?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano ang Visualization? Kung nais mo marating ang iyong mga pangarap, ito ang sikretong teknik na ginagagwa ng mga bilyonaryo o mga pinaka-mayaman na mga tao para magtagumpay.

Wag magalala, walang kinalaman ito sa relihiyon, mahika o panghuhula. Base ito sa siyensya at agham. Ginagamit ito ng mga matatagumpay na tao, pero kahit ang mga ordinaryong tao ay kayang kaya ito gawin. Ipipikit mo lang ang iyong mata, at iimaginin na para bang nakuha mo na ang iyong gusto.
 
Sa visualization nakikita mo ng gusto mong mangyari sa iyong utak, bago ito talaga mangyari sa totoong buhay. Halimbawa, naranasan mo na ba minsan na gustong gusto mo pumunta sa isang lugar, pero wala kang oras o walang pamasahe. Ngunit sa kakaisip mo ng ilang araw na gusto mong pumunta, nakaisip ka ng paraan kung paano ka makakapupunta, saan ka dapat sasakay, san ka kukuha ng pamasahe, atbp pang detalye. At sa kakaisip mo, nakapunta ka rin sa wakas pagkalipas ng ilang araw o linggo.
 
Nasakatuparan mo ang iyong ninanais na pumunta sa mall, dahil nakita mo na sa iyong utak kung paano mo ito gagawin, bago pa ito talaga mangyari. Kumbaga, na-visualize mo na ang mangyayari, pati mga detalye.  Ganun din pag mayroon kang gustong bilin o gustong gawin sa iyong buhay, tulad ng pagbawas ng timbang o pagtigil sa paninigarilyo.
 
Ayon sa research at siyensiya, epektibo ang visualization dahil iniisip ng ating utak na parang totoo ang nangyayari kahit ini-imagine palang natin sa isip. At kapag vinisualize natin ang isang gawain, may naguudyok sa ating utak na gawin ito sa totoong buhay. Katulad nalang ng mga atleta sa sports na ginagamit ito. Nakakatulong din ito sa konsentrasyon at sa pag-relax, at nakakabawas ng kaba.
 
Mayroong 2 steps sa visualization:
 
1.     Ang unang step ay ang pag-imagine ng iyong goal o inaasam. Para gawin ito, kelangan ilarawan mo sa iyong utak ang bawat detalye ng iyong gustong makuha, pati narin ang pakiramdam mo sa sarili. Halimbawa, kapag gusto mong magkaroon ng bagong cellphone, anong model? Ilang storage capacity? Ano kulay? Paano ka magkakaroon ng cellphone kung di mo alam kung ano klase, itsura o modelo ang gusto mo? Kung pang-browse sa social media at pang-nuod lang videos, di naman kelangan ng phone na mataas na processor. At mayroon ding mga hugis, sukat, at ibang features na maaaring di akma sayo. Kaya’t importante muna na alam mo ang eksaktong gusto mo.
Kapag naman gusto mo namang magbawas ng timbang, ipikit ang mata at i-imagine kung gaano ba kapayat ang gusto mo? Anong suot mo? Anong pakiramdam kapag naglalakad ka at kausap ang ibang tao o kaibigan? Masarap ba na mas magaan ka kapag naglalakad? Nagkakaroon kaba ng kumpiyansa sa sarili? 
Nakakatulong ang pagsulat ng iyong goal sa papel. Pagkatapos pwede mong idrawing rin ang goal mo o kumuha ng mga picture sa magazine o sa internet at ipagkabit-kabit ang mga ito. Maaari mong tignan tignan palagi ang picture ng gusto mo o laging basahin ang iyong goal.
 
2.     Ang pangalawang step ng visualization ay ang process visualization. Sa paraan na ito, i-imaginin mo ang mga aksyon na kelangan mong gawin upang makamit ang ninanais. Halimbawa, kung gusto mong magkaroon ng cellphone, magkano ang dapat mong maipon? Gano katagal mo ito maipon bago mo mabili? San ka pa pwede makakuha ng pera para mas madali mo mabili ang cellphone? Kapag naman gusto mong magbawas ng timbang, alamin kung anong epektibong exercise at diet? Kelangan mo bang magbawas ng kinain sa gabi? Kelangan mo bang mag-exercise sa umaga? Ano klaseng exercise? Ipikit ang mata at i-picture sa utak ang mga hakbang na pwedeng gawin upang makamit ito. Imaginin mo rin ang sarap ng pakiramdam oras na nakamit mo na ito.
 
Ngunit paano mo makuha ang ninanais, kung di mo alam ano eksakto ang gusto mo? Kelangan malinaw sa ating utak kung ano ang ninanais natin. Simpleng teknik lamang ito upang makagawa ng imahe sa isip mo kung ano ang gusto mo mangyayari sa hinaharap. Kapag vinivisualize natin ang mangyayari, nakikita natin sa isip ang mga posibilidad at ang mga pwedeng gawin. Na-eenganyo rin tayo at nahahanda ang sarili para makamtan ang inaasam.
 
Walang garantiya na makakamit natin ang tagumpay o makukuha natin kaagad kapag ginawa ang visualization. Dahil kelangan rin natin magsikap at mag-ensayo. Ngunit malaking tulong ang nagagawa ng visualization, dahil nakita mo na muna sa iyong isip ang mga hakbang. Kahit di mo nakamit, nag-try ka, at nag-improve ka, naka-hakbang ka pasulong. At baka sa sunod, makuha mo na.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Penelope Samar
is in the Philippines
Magandang tips po ito. masubukan nga po.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.