Taga-pamahala nagnakaw ng halagang P 500,000

Pres Mama
is a office in United States

Nagnakaw po ng aking taga-pamahala sa aking negosyo ng halagang P 500,000. Ang naisampa pong kaso ay Qualified Theft. Sa pag-iiimbistiga ay napatunayan daw pong mayroong “probable cause” ayon sa fiscal. Sinusubaybayan po namin ang takbo ng kaso ngunit hindi na po ito umandar at nasa piskalya pa hanggang ngayon. Mga tatlong taon na po ang lumipas. Ang dinig namin, mayroong malakas at ma-impluensyang mga kamag-anak itong aking taga-pamahala kaya naka-ipit ang kaso sa piskalya at hindi naiaakyat sa korte. Mayroon po ba akong maaring magawang aksyon upang mapa-usad ang kasong ito? Ang Mister po ng aking Taga-pamahala ay maayos ang trabaho at mayroon po silang sariling bahay at lupa. Malaking halaga din po ang P 500,000 na nanakaw sa akin. Maidedemanda ko po ba itong aking taga-pamahala sa halaga na kanyang ninakaw? Kung siya po ay mapatunayang “guilty” sa pagnanakaw sa kasong Qualified Theft at ako ay magsampa ng panibagong demanda upang mabawi ang hålägang ninakaw, maari ko po bang i-lien ang kanilang lupa at bahay upang ako ay maka-kolekta kahit papaano? Humihingi po ako ng tulong kung ano ang tamang daan sa ikakapanalo ng aking kaso ( na naka-sampa at isasampa pa). Taos-pusong nagpapasalamat sa inyong maitutulong.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mahirap kasing magsalita sa kasong nakasampa na. Ang masasabi ko lang if talagang mapatunayan na siya ay guilty sa ganoong halaga maaring kalakip na sa decision ng korte ang pagsasauli sa inyo ng halagang nanakaw ayon sa ebidensyang inyong naipresenta. Kung wala sila pambayad maaring ang mga property nila ang kunin yan if mapatunayan ang pagkakasala at halagang nakuha. Ang abogado ninyo ang mas may mabuting opinion na mabibigay sa inyo dahil sya ang in control ng lahat ng ebidensya.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.