Tamang posisyon sa pagtae

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mayroong pinaka-mainam na posisyon sa pagdumi, ayon sa pagaaral ng mga dalubhasa.
Napaka-importante ang katanungan na ito, dahil hindi lang ito makakatulong sa pagiwas sa mga sakit sa bituka, kundi may koneksyon din ang bituka sa ating puso, utak, atay, bato, at buong kalusugan ng ating katawan. Halimbawa, tumataas ang panganib ng magkaroon ng heart attack ang kapag nagkaroon ng sakit sa bituka. Dagdag pa rito, maraming nakakaranas ng hirap tumae o almuranas, dahil hindi tama ang posisyon ng pagdumi.
 
Para matuklasan ang mainam na posisyon sa pagdumi, ikumpara natin ang 2 posisyon na ginagamit pag tumatae.
 
1.     Una, naka-squat. Noong dating panahon, ang posisyon ng pagtae ay naka-squat.
2.     Pangalawa, naka-upo. Alam nyo ba na bago lamang ang pagtae na nakaupo, nung naimbento ang toilet bowl ng mga 100 taon na nakalipas.
 
Ayon sa siyensiya, kung ihahambing ang bituka sa isang tubo kung saan dumadaan ang tae para makalabas. Kapag diretso ang tubo, madaling makalabas ang dumi. Ngunit kapag naiipit ang tubo, nahihirapan ang tae mapunta sa pwet para mailabas.
 
Kapag nakaupo tumae, naiipit ng masel ang bituka, kaya hirap malakabas ang tae. Pero kapag naka-squat o nakataas ang paa, lumuluwag ang masel, kaya mas madaling nakakadaan ang tae sa bituka.
 
Ayon sa pagaaral ng mga doctor at dalubhasa, napatunayan din na ang pagdumi ng naka-squat o nakataas ang paa ay nakakabawas ng pag-ere kapag tumatae. Wala ring side effects ang pagtaas ng paa.
 
Ngunit kapag naka-squat sa toilet, maaaring tumalsik ang tae pag hulog nito sa tubig ng inidoro. Isa pa baka mahirapan umakyat sa toilet. Kaya’t maaaring iangat nalang ang dulo ng paa, para bahagyang naka-angat ang hita. Katumbas din nito ang naka-squat, dahil sa ganitong posisyon, hindi rin naiipit ang bituka. Kung nahihirapan iangat ang daliri ng paa, maaaring maglagay nalang ng mababaw na upuan pantungtungan ng paa.
 
Pag walang stool, maglagay lang ng kahit anong patungan ng paa. Kailangan lang itaas ng konti ang hita sa pamamagitan ng pagtiyad ng daliri ng paa. Pero sa mga may edad at matatanda na hirap itaas ang hita o tuhod, mas mainam gumamit ng stool o mababaw na upuan.
 
Nakakatulong din ang pag-squat sa mga taong hirap dumumi o matigas ang tae.
 
Ang iba pang tips para hindi mahirapan tumae o umere ay:
1.     Kumain ng pagkain na mayaman sa fiber, tulad ng gulay at prutas
2.     Uminom ng sapat na tubig araw araw, dahil nakakatigas ng tae ang kulang sa tubig.
3.     Wag pigilan ang tae. Kapag naramdamang bumababa at may pressure ng lumabas ang tae, pumunta kaagad sa banyo at wag ipapamaya.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.