Tungkol sa lupa!

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

nais ko lamang po ba malaman kung may karapatan po ba ang aking tiyahin sa lupa ng nanay ko sa tabing bahay namin. na isang buong sukat ng lupa.pinatira po sila ng nanay ko nuun araw don dhil wala po sila ibang mapuntahan dahil inaaway sya ng isa nilang kapatid patungkol din sa manahan ng bahay ng kanilang magulang. nagdesisyon ang nanay ko na patirahin muna tiyahin ko at mga anak nya don hanggang sa itinuloy nila ang pagpapaayos ng bhay na yun ngaun po ang nangyayare po e naghahabol po sila sa lupa na kinatatayuan ng bahay na yun na pagmamayari ng aking ina sinasabi nila may utang na 20k ang nanay ko sa kanila.gayun wala naman pong kasulatan na binibigay ng nanay ko ang lupa sa kanila. at iniinsist po nila na ang mga lola namin ang bumili ng lupa na yun na nakapangalan po sa aking ina at ama ang bilihan ng lupa. subalit ang pera na pinambili ng nanay ng lupa ay isinukli sa kanya ng kanilang magulang dahil may isang maliit na bahay sya nuun araw sa tabi ng bahay ng kanilang magulang. ano po ba ang maipapayo ninyo sa akin. dahil po inireklamo po ng tiyahin ko ang nanay ko sa public attorney office. maraming salamat po! naway makatulong kayo.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang lupa ba ay may titulo na naka pangalan sa nanay mo? Kapag ito ay umabot na sa korte kailangan na ng mga ebidensya na dapat ninyong ihanda. Sinabi mong inereklamo ang inyong nanay sa ngayon pa lang ihanda na ninyo ang mga ebidensya na nagpapatunay na sa inyo nakapangalan ang property at hindi naman nakregister ang utang o kaya sangla ng kapatid ng nanay mo sa titulo ng lupa.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Nararapat din na hintayin ang summons para malaman kung ano talaga ang nirereklamo laban sa nanay mo baka iba din naman sa iniisip ninyo at hindi tungkol sa lupa. Mababasa sa summons kung ano ang complaint at kung paano ninyo sagutin ito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ang lupa po ay hindi pa po nakaayos ang titulo pero may katunayan po ang nanay ko at tatay ko na sila ang bumili ng lupa. Between the owner at sa mga magulang ko. May deed of sale po ang nanay ko nakapirma silang dalawa don pati ang nagbebenta nakapirma doon.ano po ba ang magandang gawin para matigil po ang bangayan ng magkapatid?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Isa pa po sanang tanong. Ngaun naman po. Sinisingil po nila ako sa utang ng nanay ko na 20k na ngayn ay gusto nila lagyan nila ng interes na 2% permonth simula noon 2001 until 2017 which is 91,600 sa kabuuan. Ngaun nagsabi po ako na sige ganito nalang sisingilin ko din kayo sa pagtira ninyo sa lupa namin 12 years ang nakalipas, ngaun sabi nila kung ganon magfifile nalang daw sila ng kaso para sa utang ng nanay ko? Ano po ba masasabi ninyo?
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede din naman magfile sila ng kaso kaya lang medyo mahirap patunayan kasi walang kasulatan lalo na if magdemand ng interest sa utang. Ayon sa batas kailangan na ang interest sa utang ay dapat nakasulat kong magkano. Mas mabuting magkaayos nalang kayo sa Barangay level dahil magkakamag anak lang at para maiwasan ang gasto sa korte. Mas mahirap ibalik ang relasyon ng magkamag anak kapag ito ay nasira kaysa sa ibang tao. Pero kung ito ay talagang aabot na sa puntong demandahan na. Maaring magfile rin kayo ng ejectment laban sa kanila kung talagang kayo ang may ari ng lupang kanilang tinitirhan at sila ay pinatira lang by tolerance o nag magandang loob lang kayo na silay patirahin pansamantala. At this point kailangan na ninyong kumuha ng isang abogado na magpapadala sa kanila ng demand letter to vacate at kung hindi aalis sa korte na hahantong ang lahat.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
E papano po kaya ang mangyayare sa pinagawa nila sa lupa namin.? Actually po nun pumunta sila don buo na po ang bahay. May bubong napo may mga pader na at tinitirhan na. Ngaun pinaayos lang po nila. ANo po ang mangyayare don ngaun?salamat
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Well, kayo parin ang may ari sa bahay na tinitirhan nila. Sinabi mong with your consent naman ang pagtira at pag papaayos sa bahay ninyo maari paalisin sila ngunit dapat kayong mag reimburse for all the necessary and useful expenses to preserve and repair your property.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Okay. Sa ngayon po sila po ay naghakot na kahapon umalis na po pero may naiwan pa pong ilang kagamitan. At sinabi po sa pinsan ng nanay ko na pag uusapan nalang po ang mga pinagawa. Sa tingin nyo po magkano ang kailangan namin ibayad sa kanila? Maraming salamat sa pagtugon ninyo sa mga katanongan ko
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kayo na ang tanging makapagpasya niyan dahil mahirap din naman magbigay ng opinyon sa hindi ko nakikita. Ang importante kusang loob mo itong ibibigay mahirap din naman ang kalagayan nilang magsimulang humanap ng matitirhan uli. Isipin mong mabuti iisang pamilya lang kayo mas mabuti ang makatulong kaysa makalamang. Ang lahat ng ito ay mapapag usapan ng walang hinanakit.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.