Tungkol sa lupang palayan!

Love Caro
is in the Philippines

Nais kulang po magtanong at humingi ng advice dahil noong unang panahon meron pong isang lalaki na nagmamay ari ng mga lupa at sinubdivide niya po sa mga kalolohan ko po yung lupa tapos isa po sa mga binigyan niya is ang lolo ko po kung saan siya yung naging magsasaka ng lupa na isa sa mga binigay ng lalaki na to. Hanggang sa nag kasakit po yung lolo ko at pinahintulutan na yung nanay ko ang magsaka/magtrabaho muna tapos gumaling na po ang lolo at umuwi naman yung kanyang kapatid galing mindanao at naawa po yung lolo ko na wala silang pangkabuhayan at pinahiram sa kanila yung palayan ng isang croping lang po ang kanilang pagtrabaho at bumalik na sa mindanao mula noon yung nanay kuna ulit naging magsasaka hanggang sa dumating ang araw na may nag survey napo ang DAR ng palayan at ang narecord napangalan po is sa nanay ko. At nagbayad po ang nanay ko ng tax pero isang beses lang po tapos yung problema po dito is yung anak ng kapatid ni lolo ay gusto nilang akuin yung lupang palayan at nagpangalan pa po sila sa DAR na sila yung nagmamay ari ng lupang palayan at ginawan nila ng letter na yung ama niya ang tunay na nagtatrabaho sa lupang palayan nayun at ipinamana sa kanya at kung saan yung nanay ko is pinsan lamang at bawal siyang makamana ng lupang iyon dahil nasa pinsan lamang siya. kahit po yung lalaki na tunay nagmamay ari ng lupa ay may ginawang patunay na letter na nagsasabing yung nanay ko po ang nag tatrabaho ng lupang palayan na iyan mula noon hanggang present. may laban pa po ba yun yung nanay ko kahit na sa survey lang siya may pangalan at si nanay din yung nag tatrabaho at sa pinsan niya lnag ang nakapangalan sa DAR at nasa ibang bnsa naman sila at gustong bawiin nila sa amin ang lupang palayan? sana po mapayuhan nyo po ako para matulungan ko po yung nanay ko. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang ibig mo bang sabihin nakapangalan na ang title sa kanila samantalang ang nanay po ninyo ang tunay na nagsasaka ng lupa? Ang ginawa ninyo sana noong panahon na nagpaprocess pa lang sila ng titulo ay pumunta na kayo sa office ng DAR at nagreklamo. Kasi may mga qualifications sila kung sino lang ang dapat magiging beneficiary ng mga lupaing binibigay ng gobyerno lalo na sa agricultural land importante diyan yong tunay na nagsasaka/cultivate ang may malaking chance na mabibigyan. However, kahit na masasabi nating huli na kayo sa pag action you may try to file adverse claim or magfile ng complaint sa Office ng DAR na malapit sa inyo kailangang dala ninyo ang inyong mga ebidensya na magpapatunay na matagal ng nagtratrabaho ang nanay ninyo sa nasabing lupain at bilang taga pagmana ng kanyang mga magulang sa kanya dapat i award ang titulo.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.