Tuob Gamot sa Ubo? Siyensiya o Tradisyon sa Probinsiya ba ang Suob?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mula sa sinaunang Pilipino, ang Suob o Tuob ay isa sa pinaka-madalas gamitin na natural na lunas sa ubo, sipon, trangkaso at iba pang karamdaman. Dahil maraming Pilipino ang nagpapatunay sa bisa ng suob, importanteng malaman kung itong katutubong lunas ay base din sa siyensiya o base lamang sa tradisyon.

Para masagot itong nangangating katanungan, uusisain natin ang bisa ng suob sa 2 anggulo: Base sa siyensiya at base sa totoong karanasan ng mga karaniwang tao. Pagkatapos, ibabahagi namin ang tinatagong sangkap at paraan na ginagamit sa suob. Kaya’t paunorin ng buo ang maiksing video.
 
Base sa siyensiya, ang paghinga ng usok na lumalabas sa kumukulong tubig ay nagpapaginhawa sa pakiramdam at nakakatulong sa baradong ilong, lalamunan, at baga. Ito rin ay nakakatulong sa hirap sa paghinga, at nagpapalambot ng plema. Sa Ingles, tinatawag din ang Suob na steam inhalation therapy.
 
Pwera sa mga nabanggit na karamdaman, nakapagpaginhawa rin daw ang Steam inhalation sa mga sumusunod na sakit:
- Sipon
- Matigas na ubo
- Trangkaso (Influenza)
- Impeksiyon sa sinus o daanan ng ilong
- Bronchitis
- Allergy sa ilong
 
Sabi ng mga doctor, hindi naman daw napapatay ng suob ang virus o impeksiyon. Nakakapagpaginhawa lamang ito ng pakiramdam, at dahil dito lumalakas ang katawan lumaban sa mga germs.

NGUNIT, base sa kwento at salaysay ng maraming ordinaryong Pilipinos, lalo na sa mga taga probinsya, pinapatunay nila na di lang daw nakakapagginhawa ng pakiramdam ang tuob, kundi nagagamot din daw sila ng tuluyan.
 
At sabi ng mga nakasubok sa suob, hindi daw lamang sa ubo’t sipon, kundi nagagamot din daw ng tuob o suob sa mga sumusunod:
- Pananakit ng ulo
- Pagbabara ng ilong
- Iritasyon sa lalamunan
- Hirap sa paghinga
 
Paano gawin ang Tuob o Suob?
Kailangan ang sumusunod na kasangkapan:
Maliit na palanggana (mas maigi kung gawa sa stainless steel, kaysa sa plastic)
Malinis na tubig
Takore para pang-init ng tubig
Tuwalya
 
Ito ang gagawing paraan:
Magpakulo ng tubig sa kaldero o takure
Dahan dahang ibuhos ang mainit na tubig sa bowl o maliit na palanggana.
Maghalo ng mga kalahating tasang asin sa bawat 3 litrong tubig.
Kumuha ng malinis na tela o tuwalya at italukbong ito mula likod ng ulo hanggang sa dibdib upang hindi lumabas ang usok.
Tignan ang orasan, kung anong oras ka nagumpisa
Ipikit ang mata at dahan dahang ibaba ang ulo sa mainit na tubig, mga isang dangkal ang layo o 8-12 inches. Magingat na hindi tumama ang mukha sa mainit na tubig.
Dahan dahang langhapin ng malalim sa ilong ng mga 5-10 minutos.
Hanggang mainit pa ang tubig, wag tanggalin ang tuwalya o kumot sa ulo. Pag malamig na ang tubig, tsaka itanggal.
 
Pagkatapos, mararamdaman mong pawis na pawis ang buong mukha at katawan dahil. Ngunit masarap daw ito sa pakiramdam, base sa kwento at patunay ng marami.
 
Pagkatapos mag-suob, wag humarap sa electric fan o aircon, dahil baka daw mapasukan ng hangin ang katawan, at bukas na bukas ang mga pores ng balat. Bale wala lang rin daw ang suob kapag magpahangin kaagad.
 
Wag mag-suob ng mas matagal sa 15 minutos bawat beses, dahil baka mapaso ang balat. Pero pwede mong ulit ulitin ng 2-3 beses sa isang araw, lalo na kung di pa rin mabuti ang pakiramdam.
 
Ano nga ba ang totoo? Nagagamot nga ba ng tuob itong mga nabanggit na sakit? Maaaring nakakatulong ang suob sa paggamot ng karamdaman, dahil nakondisyon sa iyong utak na gagaling ka talaga at umaasa kang gagaling ka talaga. Halimbawa, maaari na ang mabisang epekto ng suob ay hindi talaga dahil sa bisa ng usok ng kumukulong likido, kundi dahil sa paniniwala ng pasyente na makakagamot ito sa kanya. Sa siyensiya, tinatawag itong “Placebo effect”. Base sa pagaaral, malaking tulong sa paggaling ng pasyente ang paniniwala niya na gagaling siya sa paggamot. Kaya’t maaaring may kinalaman ito sa maraming nagpapatotoo sa bisa ng suob o tuob.
 
Bagamat maaaring hindi mawawala ang impeksiyon gamit ang suob o tuob, makakapagpaginhawa ito sa pakiramdam, habang nilalabanan ang iyong katawan ang virus o bacteria. Siguraduhin lamang na sundin ang mga alituntunin, upang hindi maiwasan maaksidente.
 
Babala: Iwasang magpausok sa kumukulong tubig at iwasang dumikit dito, dahil maaari masunog ang balat.  May panganib na mapaso o magpaltos ang balat kapag tumama ang tubig sa mukha o katawan. Ingatan din na wag matapon ang palanggana at baka tumama ang mainit na tubig sa katawan at masunog ang balat. Hindi rin ito pinapayuhan ang tuob o suob para sa mga bata.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.