Unang Signs na may TB o Tuberculosis

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nakakahawa ang Tuberculosis, kaya’t napakamahalaga na malaman ang mga senyales nito, habang maaga. Lalo na sa mga pinoy na mahilig magdikit dikit at minsan di pa nagtatakip pag umuubo. Maaari ring mahawaan, kahit sa pagsasalita lang ng taong may TB, dahil nalalanghap ang bacteria sa ere.

Pero bakit madami pa rin namamatay sa TB kahit na may gamot na? Dahil karamihan ng mga uri ng TB ngayon, o tinatawag na TB strains, ay lumalaban sa mga gamot. Kaya’t kelangan uminom ang pasyente ng iba’t ibang klaseng gamot ng maraming buwan, bago gumaling, para di na bumalik ang TB.  
 
Maliban sa baga, maaaring makaapekto rin ang TB sa ibang parte ng iyong katawan. Halimbawa ang kidney o bato, ang spine o gulugod at ang utak.
 
Narito ang mga senyales na may active TB ang isang tao:
-       Pag-ubo ng 3 linggo na o mahigit.
-       Pag-ubo ng dugo o maberdeng uhog
-       Pananakit tuwing humihinga o umuubo
-       Pananakit ng dibdib
-       Biglang pagbaba ng timbang ng walang dahilan
-       Kawalan ng ganang kumain
-       Panghihina o pagiging matamlay
-       Lagnat
-       Pagpawis sa gabi
-       Panginginig o giniginaw
 
Kapag naman nagkaroon ng TB sa labas ng baga, iba ang maaaaring sintomas nito. Halimbawa, kapag may TB sa spine, maaaring magkaroon ng pananakit ng likod. Kapag naman may TB sa bato, maaaring magkaroon ng dugo sa ihi.
 
Mahalagang magpatingin sa doctor kapag meron kang lagnat, at pinagpapawisan sa gabi, na may kasamang di gumagaling na ubo at bumaba rin ang timbang.
 
Kapag nakatira ka sa isang bubong sa taong may TB, kelangan mo magingat, dahil mas malaki ang tsansa mong mahawaan. Kelangan may sariling kwarto ang may taong may TB. Mabuting madalas nakabukas ang bintana ng kwarto, upang umikot ang hangin at lumabas ang bacteria. Kelangan rin niyang mag-ingat na umubo sa tissue o sa isang supot
 
Kadalasang nalalabanan ang tuberculosis kapag malakas ang ating immune system.  Ngunit kapag meron kang iilang sakit na nakakapanghina ng immune system, mas mahihirapan kang malabanan ang bacteria ng TB. Halimbawa ng mga sakit na ito ay ang: Diabetes, Sakit sa Kidney, Cancer at HIV o Aids.  
 
Reference/ Source:
Churchyard, Gavin et al. “What We Know About Tuberculosis Transmission: An Overview.” The Journal of infectious diseases vol. 216,suppl_6 (2017): S629-S635. doi:10.1093/infdis/jix362

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.