UNANG SIGNS NG BREAST CANCER: Paano mag BREAST EXAM? Paano maiwasan kanser sa dede suso

Medical Team
is a Medical expert in United States

Wag magaalala, dahil kapag naagapan, tumataas ang bilang ng nabubuhay matapos magka-breast cancer at bumababa rin ang bilang ng namamatay

Sinasabing isa sa bawat walong kababaihan ay magkakaroon ng breast cancer. Sa katunayan, isa sa pinaka-karaniwan na cancer ay ang kanser sa suso.
 
Ang breast cancer ay ang kanser na nabubuo sa mga cells ng breast o suso. Narito ang iilang unang warning signs ng breast cancer, para maaganag matuklasan at maagapan ay ang mga sumusunod:
-       Bukol sa may suso o bandang kili-kili
-       Pangangapal ng balat ng suso
-       Paglubog sa parte ng suso
-       Pamumula ng dede o parang nagiging kulay kahel o orange at pagbalat-balat sa may dede
-       Pag-urong ng utong
-       Paglabas ng likido sa suso, kasama pati dugo
-       Pag-iiba ng hugis ng suso
-       Pananakit sa suso
-       Pag-iiba ng laki o hugis ng dibdib
 
Iba-iba ang senyales o sintomas na nararamdaman ng tao. Maaari ring ang sintomas na ito ay ibang kondisyon pala at hindi naman pala breast cancer. Ang mahalaga, magpatingin sa doctor kapag makaranas nitong mga sintomas.
 
Maaaring walang pinapakitang sintomas ang breast cancer hanggang sa lumaganap na nang lubos sa katawan. Kung may sintomas man na mararamdaman, ang pinaka-karaniwan ay ang pagtubo ng bukol sa dibdib na wala namang pananakit. Kung may mararamdamang bukol sa suso, agad na kumunsulta sa doktor – kahit pa negatibo ang resulta ng pinakabagong mammogram.
 
Ang iyong doktor ang siyang magtitiyak kung anong klaseng gamutan sa kanser ang angkop para sa iyo base sa klase ng iyong breast cancer, anong estado at grado na ito, kung sensitibo ba ang cancer cells sa hormones, at ang iyong kabuuang kalusugan. Marami sa mga kababihan ay sumasailalim sa operasyon sa dibdib at tumatanggap rin ng iba pang lunas tulad ng chemotherapy, hormone therapy, o radiation. Kasama sa mga operasyon para sa breast cancer ay ang pagtanggal sa bukol (lumpectomy), pagtanggal sa buong dibdib (mastectomy), o pagtanggal sa mga “lymph nodes”. Ang radiation therapy naman ay ang paggamit ng “high-powered beams” tulad ng X-rays upang mapatay ang cancer cells. Ang chemotherapy naman ay ang paggamit ng mga gamot upang sirain ang cancer cells. Kapag ang iyong kanser ay mataas ang tsansa na kumalat sa ibang parte ng katawan, ang iyong doktor ay maaaring mag-rekomenda ng chemotherapy upang mabawasan ang tsansa na bumalik ang kanser.



Paano maiwasan ang breast cancer?
Ang pagsasagawa ng pagbabago sa klase ng pamumuhay at mga nakasanayan ay makakatulong na mabawasan ang iyong tsansa na magka-breast cancer. Subukang:
· Magtanong sa iyong doktor ukol sa breast cancer screening.
· Maging alerto sa senyales ng iyong dibdib sa pamamagitan ng “breast self exams”. Sa pamamagitan nito, madali mong mapapansin ang mga kumpol sa dibdib.
· Bawasan ang pag-inom ng alak – o wag masyado ang inumin.
· Mag-ehersisyo nang madalas sa isang linggo.
· Panatilihing malusog ang iyong timbang.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.