Unang Warning Signs ng High Blood pressure o Altapresyon o Hypertension

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahalagang may mga unang warning signs ng high blood pressure upang maagapan at masagip ang buhay. Importante magpa-check ng blood pressure, kaso hindi lahat ay may oras para magpa-check palagi. At kahit kaya mong bumili ng sariling sphygmomanometer, kelangan din marunong kung paano gumamit nito, na hindi ganun ka-simple. Mayroon ding digital sphygmomanometer, pero hindi ito kasing accurate ng manual.

Pero dahil rin sa dala nitong komplikasyon tulad ng “heart attack” o sakit sa puso o “stroke”, hindi dapat ipagsa-walang bahala ang high blood pressure. Sa umpisa, ang hindi komplikadong altapresyon ay maaaring hindi mapansin sa loob ng maraming taon. Nangyayari ito dahil walang sintomas na nararamdaman ang pasyente at kung hindi rin nagpapa-check ng blood pressure. Kaya’t kapag hindi pa nagpapa-check ng blood pressure, pagkaingatan mo na pansinin ang mga warning signs o sintomas, para magamot at malunasan habang maagap.
 
Sa mga hindi pa nakapagpa-check up, maaaring may nararamdaman na mga sumusunod:
-       Sakit ng ulo,
-       Pagkahilo,
-       Hirap sa paghinga,
-       Nanlalabong mga mata
-       Pamumula ng mata
-       Pagdugo ng ilong
-       May umuugong sa tainga
Kapag malala ang altapresyon, maaaring makaramdam ng mga sumusunod
-       Sobrang mabilis mapagod
-       Pagsusuka
-       Pagkalito
-       Pananakit ng dibdib
 
Kadalasan nangyayari ang mga sintomas na ito kapag napakataas na ng blood pressure.
 
Kung minsan, mas maiging magkaroon ng sintomas upang ma-alarma ang pasyente na may hypertension na pala siya. Dahil marami sa mga dinadala sa emergency ay may kaugnay sa altapresyon, tulad ng heart attack, stroke, pagkasira ng kidney, o kaya naman ay paglabo ng paningin.
 
Kaya’t napaka-importante rin na magpacheck ng blood pressure sa doctor o nurse o clinic. Nasusukat ang ating blood pressure sa pamamagitan ng instrumento na tinatawag na sphygmomanometer. Nagbabasa ito ng BP (blood pressure) level ng isang tao.. Ang normal na blood pressure ay 120/80. Ang blood pressure na nasa gitna ng 120/80 at 139/89 ay tinatawag na “pre-hypertension”. At ang blood pressure na 140/90 pataas ay itinuturing altapresyon.
 
Ang pagbabago sa pamumuhay at maling kinaugalian ay lubos na nakakatulong sa pagpigil ng altapresyon. Ang doktor ay maaaring magtagubilin na kumain ng masusustansya na pagkain tulad ng mga pagkaing mababa sa asin, palagiang pag-ehersisyo, itigil ang paninigarilyo at panatilihing katamtaman ang timbang.
 
Kahit ano pa mang medikasyon ang ireseta sa iyo ng doktor, kailangan itong may kaakibat na “pagbabago sa pamumuhay at pagbabago ng maling kinaugalian”. Kailangan ring bawasan ang stress sa buhay, i-monitor rin ang blood pressure sa bahay, at matutong mag-relax. Huminga ng malalim upang kumalma sa mga panahon ng problema.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.