UNPAID LOAN AND OTHER CREDITS TO SAUDI BANK AND LENDING OFFICES.

Coco Lentin
is a Janitor in the Philippines

Qlng po. Ofw aq b4 sa saudi. Meron po aqng unsettled loan sa bank dun. Then meron dn aqng utang sa lending company sa saudi. Nagbakasyon po aq sa pinas at d na nakabalik kc nabuntis na aq. Meron po ba clang pwedeng ikaso saken dto sa pinas pati ung mga nag garantor saken? Meron kc tumatawag sa tatay q na from atty.dingal sinasabi na mag fifile daw cla ng case against me. Ano po ba ung mga pwede nila ikaso saken since nangyare po lahat ng un sa saudi? Please advice. Thank u.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hi, maaring makasasuhan ka dito sa ating bansa ng civil case for collection lalo na pag international bank ang pinag utangan mo baka kumuha sila ng collecting agent dito. Mas mabuting kausapin mo ang Attorney na tumatawag sa tatay mo at alamin mo kung ano ang kaso laban sa iyo. Makipag usap ka for settlement na babayaran mo ang utang ayon sa kakayahan mo. Alam kong makipag arrange sila kasi isa lang naman gusto nilang mangyari ang makolekta ang utang mo. Maaring malaki ang utang mo dahil hinahabol pa nila. Usually pag maliit lang hindi na sila naghahabol nito. Kaya lang maaring makaapekto ito sa credit record mo pag mag apply ka muli ng loan sa ibang bank kasi may history kana. Pinakaimportanteng kausapin mo ang lawyer at magmakaawa ka na bibigyan ka ng chance mabayaran na hindi na maaring kasuhan pa. Kapag mabayaran muna humingi ka dapat ng clearance o certification na bayad muna lahat. Kapag hindi mo rin ito masettle maaring hindi kana makapagtrabaho uli sa Saudi or kung mobalik ka doon maaring makulong ka doon. Maari ring hindi kana makapagtrabaho sa mga bansa na kabilang ng Gulf Cooperation Council (GCC) katulad ng Kuwait, the United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, and Oman sila ay konektado at maaring magshare ng mga information sa mga ofw na blacklisted.
Coco Lentin
is a Janitor in the Philippines
Hi mam maraming salamat po sa advice. Ano pa kaya ang possible na civil case ang pwedeng ikaso saken? Hnd q pa kc alam kung totoo tlga ung tumatawag sa tatay q. Dhil ang palaging cnsbi nila eh ideposit q daw dun sa acct ng nag garantor saken eto po ung sa lending offices. Eh sa bank of alrajhi nmn wala pong garantor na hiningi pra makapag apply ng loan kaya hnd q po alam kung totoo un. Kc kung sa bank po tlga dapat po sa bank of alrajhi ang transaction q bka dn po kc magbayad aq tapos hnd nmn pla dun mapupunta ung ibabayad q kung sakali. Paano q po malalaman na totoo un cnsbi nila
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maaring civil case for "Collection of Sum of Money " ang mafile nila against you if mayroon silang authorized agent na magfile sa iyo dito. Sinabi mong may guarantor ka doon sya ba ay isang Filipino? Maaring sya yong nagbabayad sa utang mo doon kaya ngayon siya na ang naghahabol sa iyo dito. Subukan mo uling kausapin yong tumatawag sa tatay mo kung sino talaga sya? Mahirap kasi magbigay ng legal opinyon kapag kulang ang detalye. Kung ang tumatawag sa tatay mo ay isang collecting agent karaniwan na yang tatakutin ka talaga na kasuhan ka. Maari ring hintayin mo nalang ang summon kung talagang magpafile sila ng kason laban sa iyo at doon na kayo sa korte mag areglo mas mabuti pa doon kasi sa korte na yon. Pwede kayong mag uusap sa mode of payment mo doon kung sakali. Sa sinabi mo ipadeposit sa account huwag mo munang gawin yon kailangang mag ingat ka baka hindi naman talaga authorized na magreceive. Usually pag ganyan through bank ang bayaran papuntahin ka sa bank na affiliate dito at mag offer sila ng amnesty/discount sa babayaran mo. Kausapin mo muna yong tumatawag at alamin kong sino sila. Maari kang kumuha ng isang pribadong abogado o kumunsulta/magpatulong sa mga government lawyers (PAO) kapag may kaso na laban sa iyo.
Coco Lentin
is a Janitor in the Philippines
Maraming salamt po sa advice ninyo. Maaari po pla maghabol dto ung filipino na nag garantor sa akin kht sa saudi po iyon nangyare. Pero bket po sinasabi nila na sa bangko ang naghahabol saken. Kung ung tao lng nmn po pla ang naghahabol. At sa account nila gusto na ideposit q ang bayad. Iba pa po kc ung sa bangko q na utang. At iba dn po sa lending un po ung may garantor at kahati q nmn po sa utang ung nag garantor saken.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maaring hindi na maghahabol ang bangko sa iyo dito kasi magastos din yon para sa kanila. Pero yong Filipino na guarantor at may hawak na mga ebidensya na permado mo maaring gamitin niya ito laban sa iyo. Baka sya nalang ang nagbayad doon. Ang dapat mong gawin hintayin mo na magpadala sila ng demand letter lawyer ang gumagawa niyan para malaman mo kung sino ang naghahabol sa iyo.S Saka ka pa mag isip ng susunod na aksyon. Huwag ka munang maniwala sa tawag lang.
Coco Lentin
is a Janitor in the Philippines
Thank u po ulit

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.