Namatay po ang tatay ko recently at nagulat na lang po kami may utang po siya galing sa SUGAL/SABONG. May claim po ba ang creditors sa estate? Naging magasawa po sila ng nanay ko noong 1970s, lahat po ay naipundar nila noong magasawa sila. Pwede po ba iclaim sa conjugal properties ang utang ng tatay ko? Personal po itong utang at hindi po kami nakinabang dito. Narinig ko rin po na meron daw pong kasulatan sa pagitang ng tatay ko at ng creditors tungkol dito at meron pa daw pong interes.
May nabasa po rin ako na
" Art. 123. The law is explicit that whatever may be lost in any game of chance shall be borne by the loser and shall not be chargeable against the community property. However, any winnings shall form part of the community property."
ano po ibig sabihin nito