Warning Signs na Kulang sa Vitamin D

Medical Team
is a Medical expert in United States

NAPAKA-KARANIWAN pala sa maraming tao ang kulang sa Vitamin D. Akala kasi ng marami, hindi naman delikado kung may Vitamin D deficiency. Kaya’t hindi nila batid na hindi pala sapat ang kanilang Vitamin D sa katawan.

Hindi rin kasi madaling matukoy kung may kakulangan sa Vitamin D, dahil madaya ang sintomas nito at madalas ay banayad lamang ang senyales. Ngunit di mo akalain na naaapektuhan na pala ang iyong kalusugan.
 
Babala:  Napaka importante ang Vitamin D, dahil meron itong malakas at mabisang epekto sa problema ng iba’t ibang parte ng katawan.
 
Panuorin ng buo ang maiksing video, kung saan isiswalat ang 8 warning signs na kulang sa vitamin D. Pagkatapos ay ituturo ang mga hakbang kung paano malunasan ito. Lalo na sa panahon ng pandemya, kung saan madalas nasa loob lamang ng bahay ang mga tao at bata, napaka mahalagang subaybayan kung may vitamin D deficiency.
 
Narito ang 8 senyales ng kakulangan sa Vitamin D:
1.     Pagiging Sakitin - Napaka mahalaga ang Vitamin D sa ating immune system na lumalaban sa mga viruses at bacteria. Halimbawa, maraming pagaaral ang nagsasabi na may koneksyon ang kakulangan ng Vitamin D sa mga sakit sa baga, kasama na dito ang ubo at sipon. At may pagaaral din na nagpapatunay na ang pagkonsumo ng Vitamin D ay nakakabawas ng panganib na magkaraoon ng mga respiratory tract infections o mga impeksiyong may kinalaman sa paghinga.

2.     Madaling mapagod o nanghihina – Maraming maaring dahilan ang madaling mapagod, ngunit madalas napapansin na maaaring kakulangan ng vitamin D ang dahilan. Halimbawa, maraming pagaaral na nagpapakita na mga nakakaramdam ng matinding pagod ay may kakulangan sa vitamin D at kapag sila ay pinapainom ng vitamin D supplement, bumubuti ang kanilang pakiramdam.

3.     Pananakit ng Likod – May kinalaman ang vitamin D sa pagmaintain ng kalusugn ng ating buto at pagsipsip ng calcium. Kaya’t ang pananakit ng mga buto at likod ay aaaring sinenyales ng kakulangan sa vitamin D. Maraming pagaaraal ang nagpapatunay na may koneksyon ang kakulangan ng vitamin D sa pananakit ng likod. May iba ring pagaaral na nagpapatunay na ang mga taong mnakakaranas ng arthritis at muscle pain ay may mababang antas ng vitamin D sa kanilang dugo.

4.     Mabagal maghilom ang sugat – Ang mabagal na paghilom ng sugat ay maaaring senyales ng kakulangan ng vitamin D sa dugo. Dahil importante ang vitamin D sa paglikha ng bagong ating balat. Halimbawa, may pagaaral na nagpapakita na nakakatulong ang vitamin D supplements sa paghilom ng sugat sa paa at nakakabawas ng pamamaga at nakakapaglaban sa impeksiyon.

5.     Pagnipis ng Buto – Malaki ang tinutulong ng vitamin D sa pagsipsip ng calcium, lalo na sa mga may edad na kailangan ng calcium sa kanilang katawan. Ang pagbawas ng pagkakapal ng buto ay nakakataas ng tsansang mabalian ang buto, lalo na sa mga senior citizens.

6.     Paglagas ng buhok – Kapag matindi ang pagkalabas ng buhok, maaaring resulta ito ng sakit o kakulangan ng nutrisyon. Halimbawa, may pagaaral na naguugnay sa kakulangan sa vitamin D ang pagkalagas ng buhok. May ibang pagaaral rin na nagpapatunay na ang pagpahid ng isang pinaghalung sangkap na may vitamin D ay nakakatulong sa pagtubo muli ng buhok.

7.     Kalungkutan – Ang pananamlay at depression ay maaaring sintomas ng kakulangan ng vitamin D. May pagaaral na naguugnay ng kalungkutan sa kakulangan ng vitamin D, lalo na sa mga may edad. May mga pagaaral ding isinagawa kung saan ang mga taong malungkot at kulang sa vitamin D ay pinainom ng vitamin D supplements at nakapagpabuti ito sa kanilang kalagayan.

8.     Pananankit ng muscles o kalamnan – Mahirap matukoy ang sanhi ng pananakit ng muscles, ngunit may ebidensya na ang kakulangan sa vitamin D ay maaaring isang sanhi ng bata at maging sa mga matanda. May mga pagaaral na nagpapatunay na ang paginom ng mga vitamin D supplements ay nakakabawas ng pananakit sa katawan ng mga taong kulang sa vitamin D.
 
Kapag may kakulangan sa Vitamin D, importante kausapin ang doctor, at magpa test ng blood levels.
 
Buti nalang madaling malunasan ang kakulangan sa Vitamin D. Akala ng karamihan, basta nasinagan ka lang ng kaunting araw ay ok na.  Kailangan mas mahaba at mas madalas magpaaraw. Mga 10-30 minutos ng 3 beses sa isang linggo. Ang sinag ng araw ng maagang maaga tulad ng 6 am, ay mas mainam sa mga sanggol. Mabuting magpaaraw ng mga alas 8 hanggang 11 ng umaaga. Maari rin magpa-araw ng kaunti sa hapon.
 
Kailangan lang direktang natatamaan ang sinag ng araw ang ating balat, kaya’t mas maiging naka-sando, o sleeveless at naka-shorts, para mas maraming bahagi ng katawan ang tamaan ng araw.  Mas mabuti rin na hindi maglagay ng sunscreen, dahil nababawasan ang kakayahan ng ating katawan lumikha ng vitamin D. Ngunit magingat din sa sobrang pagbilad sa araw dahil mapanganib ang naka-expose ng matagal dito.
 
Nakukuha rin ang Vitamin D sa mga taba ng isda at dairy products, ngunit karaniwan di sapat ang nakukuha natin sa pagkain. Kaya’t maaari ring payuhan ka ng doctor na uminom ng vitamin D supplements, lalo na kung ikaw ay madalas nakakulong lamang sa bahay. Nabibili ang mga Vitamin D supplements sa drugstores. 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.