Ngayong taon ang Sheep (Tupa) zodiac sign ay magiging maayos sa larangan ng pinansyal at emosyonal. Malaking proyekto ang darating sayo kasama na dyan ang magandang kita.
Maganda rin ang pasok ng pagibig at romansa para sayo ngayong taon.
Karera, Negosyo o Trabaho: Ngayong taon ay magkakaroon ng pagkakataon ng tumanggap ng malalaking proyekto na hindi mo nakuha noong mga nagdaang taon. Ito'y mag bibigay sayo ng pagkakataon na ipakita ay iyong kakayahang tumapos ng magandang proyekto. Dapat maging malinaw sa trabaho at kung magkaroon ng magandang plano mapagtagumpayan mo ang proyekto. Makakaharap ka ng mga pagsubok sa buhay habang ikaw ay umangat at hindi ka dapat magpaapekto dito.
Kalusugan: Dapat mong pagyamanin ang iyong mental at emosyonal na kalusugan upang malampasan ang mga hamon sa buhay. Tapang at determinasyon ang makakatulong sayo upang mapagtagumpayan ang iyong mga pangarap ngayong taon, at itoy mag bibigay sayo ng masayang pamumuhay. Ang unang apat na buwan ay dapat panatilihin mong malakas ang iyong kalusugan sa pamamagitan ng tamang pagkain.
Pera: Ang unang parte ng taon ay napakagandang pasok ng kita para sayo. Sa buwan ng Setyembre at Oktubre ay dapat mong pag aralan ang gastusin at pagplanuhan kung papano mas makaka ipon sa susunod na taon. Maging maingat sa paggastos at pag aralan kung paano makakain.
Love Life: Ang mga mag-asawa at magkarelasyon ay magkakaroon ng madaming pagkakataong mapagtibay ang kanilang mga relasyon. Mapapaamo mo ang iyong kapareha sa pamamagitan ng iyong matamis na pananalita at lambing at makakatulong upang mas maging matamis ang inyong pagsasama.
Metal Sheep - Born in 1991, Wood Sheep - Born in 1955, Water Sheep - Born in 1943, Fire Ram- Born in 1967, Earth Goat - Born in 1969.
Updated January 2017