Pwede ba makipag sex kung buntis? Sanhi ba ito pag nakunan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nakaraang taon po kasi nakunan ako. March 2017. Dahil po ba yun sa subrang stress? Kasi po nung araw na sumakit ung tiyan ko, 12 midnight po un sobrang sumakit ang tyan ko, 9 pm po nun nagaaway po ang mama ko at kapatid kong sumonod sa kin. Nagwwala mama ko umiiyak. Kasi din po kakamatay lang po ng papa ko nun ng February. Umiiyak din po ako nung nagaaway sila kasi naawa ako sa mama ko, masyado po kasi mapagmtaas ang kapatid ko. Pagkahupa po ng away nila sumakit na po tyan ko hindi ko po ininda pero nung bandang hating gabi na po sumakit po sya ng subra na manganganak na po ako, ayn po nkunan na po ako. Dahil po ba un sa subrang stress sa kanila? O dahil po un sa pakikipag sex ko sa asawa ko kahit buntis po ako? Pero nung gabi na sumakit ang tiyan ko dalawang araw na po nun wala ung aswa ko. Bali linggo po kami nun nagsex. Ok naman po , wala nman po ako naramdman na kahit ano. Pero weds po nangyare pagtatalo ng mama at kapatid ko. Yun po dun po sumakit tiyan ko..

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Maraming dahilan ang pagkalaglag ng iyong anak maaring ikaw ay may impeksyon sa katawa, problema sa matres, abnormalidad/problema sa matres, problema sa thyroid, puso, diabetes at malnutrisyon. Mas mataas ang tsansang malaglagan ng anak kung ikaw nasa edad ay nasa 40s kaysa kung ikaw ay nasa edad 20s. Hindi ko masasabi na ang iyong stress na naranasan ay naging dahilan ng pagkalaglag ng iyong anak dahil kaunti pa lang ang mga aral na makapagpapatunay dito.

Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Ang pakikipagtalik habang buntis ay hindi naman nakakasama sa iyong sanggol maliban na lamang kung may sinabi sayo noon ang doktor na ikaw ay may problema sa iyong cervix, may tsana na manganak ka ng maaga o ikaw ay kinokonsidera na isang "high risk" na pasyente.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.