Ako ay may anak sa isang babae na meron ding anak sa ibat ibang lalaki. Magkano

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako ay may anak sa isang babae na meron ding anak sa ibat ibang lalaki. Magkano ba ang dapat na sustento sa anak ko kung hindi nmn kme ksal? Ako ay ofw.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang halaga po ng support ay maraming factors para ma-define. Una, ano ang pangangailangan ng bata? Kasi, kung ang bata ay masasakitin, mas malaki ang need ng bata kaysa sa kung ang bata ay healthy, di po ba?
Pangalawa, kailangan ding i-consider ang capability ng tatay na magbigay ng support. Kung ang ama ay kumikita ng $500 a month pero siya ay may limang iba pang anak, at bukod dito, siya ay kailangan din ng living expenses niya, hindi puedeng ibigay niya ang napaka-laking halaga para sa support ng isang anak kung may iba pa siyang anak na dapat suportahan.
Pangatlo, ang ina ng bata, kung may trabaho o pinagkaka-kitaan, ito din ay factor to consider. Kasi, kung siya ay may source of income, dapat ay hati kayo sa pangangailangan ng bata.
Pang-apat, ang bata ba ay nag-aaral na? Kasi, mas malaki ang gastos ng bata kung ito'y nag-aaral na.
Pang-lima, ano ang standard of living ng ina at ama ng bata? Kasi, kung halimbawa'y sila'y nakatira sa Forbes Park or sa Corinthian Gardens, hindi puedeng ang support na ibibigay ay hindi makaka-support sa kanilang standard of living. Pero, kung sa probinsiya nakatira, mas mababa doon ang standard of living.

Ngayon po, ang pinaka-maigi ay regular ang support. Ito ay kailangang ipadala monthly. Kung may bank account kayong binuksan para sa bata, doon ninyo ihuhulog. Sa ngayon, ang mga bank account ay may ATM at may passbook. Nasa bata o sa ina ang ATM, nasa inyo naman ang passbook. At ang account ay nasa pangalan ninyo na "in trust for" sa inyong anak. Sa ganoon, puede ninyong ipa-update ang passbook tuwi kayo'y uuwi sa PIlipinas. Doon nakasaad ang mga hulog ninyo at petsa ng withdrawal ng babae.
Mas maigi pa nga, kung bigyan ninyo ng check at ito ay ie-encash noong ina or ide-deposit sa isang account. Sa ganon, mailalagay ninyo sa Checke, for the monthly support of our son, Pedro dela Cruz. Tapos, for deposit sa in trust for account ng bata.
Pagka- kasi ganito, mahihirapan ang babae na sabihin na hindi kayo nagpapadala ng suporta.
Tapos, kung halimbawa ay may extra na gastos, halimbawa, nagpa-ospital, nagbayad ng tuition, puedeng ipadala sa inyo ang resibo, o kaya, puedeng cheke ang ibayad ninyo. Ang kailangan ay documentation (may ebidensiya kayo) na kayo ay faithful sa pagpapadala ng support. Kahit na maliit (kasi, kung may anak pa kayo na iba).

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.