Ako po si Richard Bautista, hingi lang po akong idea about process sa pagpapaman

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po si Richard Bautista, hingi lang po akong idea about process sa pagpapamana ng lupa. Yung Lola ko po kasi my lupa sila na pinamana po ng mother ng lolo ko pero ang lupa po until now naka pangalan po sa mother ng lolo ko at patay na po ang mother ng lolo ko at patay na rin po ang lolo ko at si lola po buhay pa. Meron pong 6 na anak ang lola ko at panganay po ang mama ko. ako po ang nag aalaga sa lola ko dahil sakanya po ako lumaki at sya po nag alaga sakin simula nung bata pa po ako at ngayon po ako ang kasama nya sa bahay. Gusto po sana ng lola ko yung parte ng mama ko saken mapunta at payag naman po si mama at gusto po ni lola dagdagan pa po sana. 470sqm po ang sukat ng lupa. yung 170sqm po sana including parte ng mama ko bigay nya saken at yung remaining 300sqm yun po mapupunta dun sa 5 pa po na anak nya. Papaano po namin magagawan ng legal documents yun para po time will come may pinanghahawakan po akong documents. Tsaka isa rin po sa mga anak ng lola ko pina renovate ang bahay matanda, di naman po giniba pinaayos lang po, sa nagpa renovate din po ba yun mapupunta o may karapatan po mga kapatid nya sa bahay? Salamat po ng marami at sana po mabigyan nyo po ako ng idea sa magandang gawin namin ni lola ko para po maayos ang mga docs. salamat po ulit.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
You need a lawyer. Una sa lahat, ang lupa ay wala pa sa pangalan ng lola mo. Ibig sabihin kasi, tatlong salin na iyan -- mula sa mother ng lolo mo, papunta sa lolo at lola mo, patungo sa mother mo.

Mahihirapan kayo dahil sa ang mga estate noong mother ng lolo mo, at ng lolo mo ay hindi ninyo pa nase-settle. sa totoo po, kung 470 square meters ang inyong lupa, napaka-liit po niyan. Ang magagastos po ninyo sa pagpapalipat ng titulo sa inyong pangalan ay mas malaki pa siguro kaysa sa value noong lupa. Kaya hindi maganda ang gumawa ng huling habilin. kasi, malaki ang gagastusin.

Pero kung ang inyong habol lamang ay inyong maseguro na sa inyo mapupunta ang share ng mother ninyo, dapat siguro ay mag-extra judicial settlemetn of estate kayo. Doon ay dapat i-waive ng mga kapatid ng mother ninyo ang shares nila in your favor. kasi po, dapat po ang lahat ng mga anak ng inyong lola (6 sila kasama ang mama mo) ay share and share alike sa lupa. Iyon po ang batas. so, dapat ay 470 square meters divided by 6 children. Ang lalabas ay 78.33 square meter ang share ng bawat isa. kaya dapat ang bawat isa sa iyong mga tiyuhin at tiyahin, pati na ang nanay mo ay mag-waiver para sa iyo para ang share nila ay mabawasan at sa iyo na lamang mapunta.

I have to warn you -- sa lupa at sa manahan nagkaka-sira ang mga pamilya. Kahit napaka-liit ng lupa, ang iba ay nagpapatayan para lamang sa mana. So, you need a lawyer. You need to talk to your mother and her brothers and sisters.
Harold Gomez
is in the Philippines
Hi Atty. Bimbi, maraming salamat po sa pagsagot ninyo. Kung sakali po ba na gumawa ng letter ang lola ko at sabihin nya na ibigay saken yung 170sqm including na dun yung share ni mama, pwedi po kaya ipa notaryo yun para may katibayan lang po na pinapamanahan ako ng lola ko? kasi yung 4 po nya na anak wala po sa pinas nasa ibang bansa po sila. Kahit di na po muna malipat sa name ko yung title nung ipapamana nyang 170sqm saken. Kung sakali po ba na gumawa ang lola ko ng letter na pirmado nya pwedi po ba yun basehan ng legal docs kung dumating ang araw na yung mga anak nya bawiin ang binigay saken ng lola ko? Salamat po ulit.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.