Ano ang "archive" sa Gmail at paano ito gagamitin?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Ang archive na feature sa Gmail ay ginagamit para malipat mo ang mga hindi mo gusting email na nasa “inbox”, nang hindi ito binubura. Makikita mo pa rin ito sa “Archive” at “All Mail”. Pinapanatili nito na malinis at organisado ang inbox mo.
 
 
 
Paano gamitin ang archive:
1.      Una, buksan ang Gmail at piliin ang email na gusto mong i-archive.
2.      I-click mo ang "Archive" button o iklik ang icon ng archive, isa itong file box na may arrow na makikita sa ibaba ng email.
3.      Kapag na-archive ang email, mapupunta ito sa "All Mail" na folder. Hindi ito mawawala kundi ay malilipat lang siya sa archive location.
4.      Para mahanap mo ang archived na email, pwede kang mag-search sa "All Mail" folder o pwede mo rin i-click ang "All Mail" sa sidebar ng Gmail.
 
Malaking bagay ang paggamit ng archive para ma-mapanatili ang malinis at organisadong itsura ng iyong inbox ang hindi nawawala ang mga importante mong email. Ang mga archived na email ay pwedeng-pwede mong balikan kung kinakailangan sa hinaharap.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)