Ano ang blind carbon copy o bcc sa isang email?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Ginagamit ang blind carbon copy o tinatawag na Bcc para makapagpadala sa mga tatanggap ng email nang hindi nakikita ang mga email address ng nagpadala. Pinapanatili nito ang privacy ng mga email address at para magkaroon ng ligtas na komunikasyon sa pag-gamit ng email. Kapag ginamit mo ang Bcc, ang mga email address ng mga recipients sa "Bcc" field ay mananatiling nakatago o hidden kahit pa nasa “To” o “Cc” para hindi makita ng ibang mga tumanggap ng email.

Magandang gamitin ang Bcc sa mga sitwasyon na:
→  Magpapadala ka ng email sa maraming tao nang hindi mo isasapubliko ang kanilang mga email addresses.
→ Magpapadala ng mga anunsyo o mga newsletter sa isang grupo ng tao nang hindi nai-papakita ang kanilang mga email addresses sa iba.
→ Magpapadala ng email sa mga taong hindi magkakakilala, na ginagawa ang mga email addresses na pribado.
→ Magpapadala ng email sa mga customer o client nang hindi nakikita ng iba pang mga customer o client ang kanilang mga email addresses.
 
Sa pamamagitan ng blind carbon copy o "Bcc”, mas mapanatili ang propesyonal at ligtas na paggamit ng email para sa mga sensitibong komunikasyon.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)