Ano ang dapat ikaso sa asawang may kabit?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Dati po akong isang OFW, minsan pong tumawag ang anak kung panganay sa akin thru messenger at sinabi nya po sa akin na may kinakasama na palang ibang lalaki ang asawa ko, kasal po kami at may dalawa po kaming anak. Ano po ba ang pwedi kung ikaso sa kanila ng kinakasama nya? salamat po.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang asawa po ba ninyo ay babae o lalaki (hindi kasi malinaw sa akin kung kayo ay babae o lalaki). Kasi po, kung babae ang asawa ninyo, ang ikakaso po ay adultery. Pero kung ang asawa ninyo ay lalali, ang ikakaso po ay concubinage. Magkaiba po kasi ang kaso depende sa kung ang asawang nangaliwa ay babae o lalaki.

Puede din pong kuhanin sa kanya ang custody ng inyong mga anak kasi po, ine-expose po niya ang inyong mga anak sa masamang impluwensiya (dahil nga po sa immorality po ang kanyang ginagawa).

Pinaka-mabuti po ay inyong idulog sa isang abogado ang inyong kaso. Sa Public Attorney's Office po, kung andito na kayo sa Pilipinas. Iyong na nga lang po, kailangan po ninyo ng ebidensiya. Hindi po kasi puedeng sabi-sabi.
Randy Manuel
is in the Philippines
Good day po Atty. Bimbi,
Maraming salamat po sa inyong pagsagot sa aking katanongan, Isa po akong lalaki, nandito na rin po ako sa Pilipinas, ipina blotter ko na ri po sa Brgy. ang aking asawa at may mga ebedinsya narin po ako na nag sasama cla ng lalaki nya, sa katunayan po lantaran na rin po sila sa amin na nagkakasama sa isang inuupahang bahay, 2 babae po ang anak namin, isang 9 yrs old at isang 4 yrs.old, ung panganay ko lang po ang nakuha ko, ayaw nya kasing ibigay sa akin ung bunso kung anak. Itatanong ko lang po ulit kung idudulog ko po ito sa Public Atty. may mga kayalangang bayaran sa office nila? kung may ron po nas magkano naman po ang aabutin ko para masampahan ko lang po ng kaso ung asawa ko at ung lalaki nya.
Maraming salamat po ulit sa inyo Atty. sa pagsagot.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.