Ano Ang dapat Kong gawin upang makuha ko Ang 15 years old Kong anak na mas piniling sumama sa Lola niya na nagpalaki sa kanya?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po Ang kailangan Kong gawin upang makuha ko po Ang custody Ng aking 15 years old na anak na ayaw na po sumama skin at pinili Ang kanyang Lola?
Goodpm po,Ako po ay walang trabaho, at nakatira lang sa tatay ko,nanay ng3 anak,yung 15yrs old ko po ay sa Lola niya na lumaki Mula 8 years old gang 13yrs.old,sankadahilanang akonponay nalulong sa drugs pero na ka recover Naman po,ibinigay po skain Ng nanay ko yung bata taong 2021,dahil Hindi niya na ito tinanggap dahil matigas daw Ang Ulo,paraan niya lang po ito upang sumama skin Ang bata,ngunit nagkataon po Ako Ng dininaashang problema at akonponay naging alcohol at nag undergo s rehab for 6 months,kaya yung tatlong anak ko po ay ibinigay Muna sa nanay ko taong 2022 upang don mag aral,ngunit ngyong nakalabas na po Ako Ng rehab at kinukuha ko na po yung mga bata,taong kasalukuyan ay Pina blotter po Ako Ng nanay ko,Nung una pi at skin napunta Ang custody Ng mga bata,ngunit Ang 15 years old ko po ay nagwala at sinabi niyang ayaw niya na daw sakin sumama dgail siya ay natatakot dahil nag karon daw siya Ng trauma skin Nung siya ay bata pa,samantalang Ang saya saya naman po namin noon,di ko po alam kung ppano upbringing Ang ginawa Ng nanay ko sa kanya kaya natakot at di naklimutan Ng anak ko Ang masamang krnsan niya skin Nung siya ay 4 years old pa PNG samantalang noong bago ko pa.syan ibinigay sa Lola niya Ng mag 8 years old siya ay maayos Naman Ang pagssama namin mag ina.Dahil nga po idinahilan niya na siya ay may trauma sakin nag desisiyon Ang DSWD na sa Lola ko mppunta Ang bata na alam ko Naman po na kapag kinausap niya Ng maayos Ang apo niya di di ito pwede tumira sa kanya ay ssama naman ito sakin,sa madlaing salita Ako po ay IP naubaya ko n lang Ang anak ko sa nanay ko kahit labag da kalooban ko at Ang gusto ko po sana ay magkasa sama silang mag kkapitd.ngayon ay tatay ko po Ang sumusuporta sa amin mag iina na Asawa Ng nanay ko noon,Ngayon po ay humihingi Ng suporta Ang nanay ko sa tatay ko dahil Wala nga po akong trabaho,maari po ba Silang mag hati sa mga expenses Ng mga bata? Maari po ba Ako mag apila at makuha Ang custody Ng anak ko,dahil Hindi ko po gusto Ang pag papalaki Ng nanay ko sa kanya,na brainwash po Ang bata,imbes na tulungan niya mwala Ang masamang tingin sakin Ng anak ko ay siya pa mismo Ang nag ssabindito na di ko Sila kayang alagaan. Ano po Ang dapat kung gawin para makuha ko po yung anak Kong 15 years. Old kung dinadhilan niya po na may trauma siya skin para lang di ko siya makuha,kasi kung tlgang may takot po siya skin,Hindi po sana siya mkikipag communicate sakin at madalas ay manghingi pa po Ng pera para sa online gaming niya.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Ang sitwasyon mo ay tunay na masalimuot. Ang pagkuha ng custody ng anak ay isang legal na proseso at maaaring magkaroon ng iba't-ibang kalakaran depende sa mga detalye ng sitwasyon. Narito ang mga hakbang o pagsusuri na maaari mong gawin:

Legal na Tulong: Ikonsulta ang iyong sitwasyon sa isang abogado na may espesyalisasyon sa Family Law. Siya ang makakapagbigay ng pinaka-angkop na payo at mga hakbang sa iyong sitwasyon.

DSWD at Barangay Mediation: Bago ang lahat, kinakailangang dumaan sa mediation sa pamamagitan ng DSWD at Barangay. Kung hindi maayos sa ganitong pamamaraan, saka pa lamang ito dadaan sa korte.

Pagsusuri ng Sitwasyon: Ang huling desisyon ay ibabatay sa kung ano ang pinaka-mabuti para sa bata. Ang mga sumusunod ay isaalang-alang:

Kakayahan ng magulang na magbigay ng maayos at ligtas na tirahan para sa bata.
Ang emosyonal, mental, at pisikal na kalusugan ng magulang.
Ang relasyon ng bata sa magulang.
Ang pangangailangan ng bata, lalo na sa edukasyon at kalusugan.
Therapy o Counseling: Maaring humingi ng tulong sa isang psychologist o counselor para sa therapy ng iyong anak. Kung may trauma siyang naranasan mula sa'yo, ang therapy ay maaaring makatulong sa kanya na malampasan ito at makabuo ng mas mabuting relasyon sa'yo.

Pagpapatuloy ng Rehabilitasyon: Mahalaga rin na ipakita mo sa korte at sa DSWD na ikaw ay patuloy sa iyong rehabilitasyon at naka-recover na mula sa iyong mga pagkakamali sa nakaraan.

Suporta: Kung ang tatay mo ay handang suportahan ka at ang iyong mga anak, maaari itong maging positibong aspeto sa pagkuha ng custody.

Pagbabahagi ng Gastusin: Kung gusto mong magbahagi sa gastusin ng anak mo, maari kang magkaroon ng kasunduan sa nanay mo tungkol dito.

Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kapakanan ng bata. Kailangan mong pagtuunan ng pansin kung ano ang pinaka-mabuti para sa kanya. Kung sa palagay mo ay ikaw ang makapagbibigay ng mas mabuting kinabukasan para sa kanya, sundan mo ang mga hakbang na nabanggit at humingi ng legal na tulong.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.