Ano ang Epekto ng Pambu-bully? Dahilan ng Panunukso Pang-aapi Pang-aasar Away Pananakit Lapastangan Pagmumura

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Upang masugpo ang pang-aapi, mahalagang malaman ang pinagmulan at dahilan kung bakit ang pananakit at pananakot ay nangyayari. Bawat kaso ng pananakot o pang-aapi ay iba-iba at kailangang suriin ang mga dahilan.
 
Upang maunawaan ang sitwasyon ng pang-aaway, mahalagang magkaroon ng iba-ibang pananaw tungkol dito. Maaari ito ay indibidwal, grupo, samahan, at lipunan. Sa ating karanasan, maraming paaralan ang nananatiling may mga sariling pananaw at ang tanging tinitignan ay ang panig lamang ng biktima. Kailangan natin buksan at lawakan ang ating isip upang makita ang iba pang bagay, tulad ng kaligtasan ng grupo, ang pamumuno ng isang samahan o klase ng lipunan.
 
Katotohanan sa likod ng pananakot at pang-aapi
1. Ang pangbu-bully ay tumutukoy sa pisikal na pananakit o masasakit na salita sa loob ng mahabang panahon. Ginagawa nila ito sa mga taong walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.
 
2. Dalawamput walong porsyento ng kabataan mula grade six hanggang 12 ay nabibiktima ng panunukso.
 
3. Madalas na benabaliwala ng mga guro ang mga ganitong pangyayari sa kanilang paaralan.
 
4. Kailangan malaman ng mga magulang kung ang kanilang anak ay naaapi, magbigay ng kaunting oras sa anak.
 
5. Mayroong apat na klase ng pananakot at pang-aapi: pisikal, masasait na salita, relational at reactive.
 
6. Ang mga mapang-api ay madalas ng mataas ang tingin sa kanilang sarili at mga manggagamit.
 
7. Paniniwalaan ng mga nang-aapi ang gusto nilang paniwalaan upang patuloy na makapang-api at dahil sa takot na baka sila ay maging biktima ng pananakot at panunukso.
 
8. Ang taong nang-aapi ay may negatibong kahihinatnan, sa parehong biktima ng inaapi.
 
9. Mayroong ilang paraan upang maiwasan ang nabu-bully at bumu-bully, ganun din sa magulang, paaralan, at katrabaho upang mapigil ito sa eskwelahan o sa pinagtatrabahuhan.
 
Ano ang iba’t ibang klase ng Pambu-bully?
Mayroong limang klase ng pananakot:
1. Pisikal- kasama na rito ang pamamalo, paninipa, pangungurot o kung hindi man ay pag-atake sa iba.
 
2. Salita- tumutukoy sa paggamit ng masasakit na salita na may kasamang pang-iinsulto, kabastusan, labis na panunukso, pang-aasar o pananakot.
 
3. Relational bullying- Hindi pagsama ng isang tao sa barkada ay karaniwang sanhi ng pagbabanta, pagkalat ng mga tsismis at iba pang paraan ng pananakot.
 
4. Reactive bullying- Dating biktima ng pang-aapi ay naghahanap ng iba niyang mabibiktima upang mang-api.
 
5. Nasasangkot rin ang personal na gamit ng inaapi sa mga pananakot. Halimbawa, ang gamit ng biktima ay sinira o kinuha ng sapilitan.
 
Madalas nangyayari ito sa mga lalaki kaysa sa babae, lalo na sa high school o lampas pa. Mas malapit ang mga lalaki sa pisikal at salita na pananakot. Ang mga babae naman ay mas madalas na malapit sa relational na pambubully.
 
 
Sino ang target?
1. Pisikal na pangangatawan- Sa kabataan na nagbibinata at nagdadalaga, ang pagkakaroon ng kakaiba na pisikal na pangangatawan ay nagiging dahilan upang maging tampulan ng tukso. Ang batang may pares ng salamin, matangkad, mga edad 13 at yung batang may malaking tainga ay maaaring maging biktima ng tukso dahil sa panlabas nilang kaanyuan. Anuman ang pisikal na katangian na maaaring makatawag pansin ay maaaring maging dahilan upang mabiktima ng panlalait.
 
2. Lahi- ang mga nagbibinata o nagdadalaga na naiiba ang lahi kaysa sa nakararami ay nabibiktima ng panunukso dahil dito. Ito ay karaniwang nangyayari sa paaralan na madalas magkakatulad ang pangangatawan. Sa Amerika, ang mga estudyanteng muslim o nagpapakilalang Muslim, ay malapit sa panunukso dahil sa kanilang lahi.
 
3. Kakulangan sa kaalaman o iba pang sakit- Madalas binibiktima ang mga mahihina, sila ay pinaniniwalaang mahina pisikal at pag-iisip. Ang mga estudyanteng may malalang sakit, mga estudyanteng naka-wheelchair, mga estudyante na natuklasang may ADHD, Asperger’sa, dyslexia, autism at, asthma at iba pang kondisyon ay maaaring maging tampulan ng tukso. Kailangan ng karagdagang pag-aalaga ng mga estudyanteng may mental at pisikal na kapansanan upang maprotektahan sa mga mapang-api sa kanilang paaralan.
 
4. Pagiging iba ng kasarian- ang mga estudyante na nakilala bilang bakla o bayot, tibo o tomboy, bisexual, transgender, asexual o non-binary ay mas maaaring maging tampulan ng tukso. Ang brutal na pang-aapi dahil sa kasarian ng isang tao ay maaaring humantong sa matinding pananakot. Ang mga nangangasiwa ay maaaring magsilbing magandang halimbawa sa mga estudyante upang maiwasan ang mga pangyayari ito sa paaralan maging ito ay sa pribadong paaralan o pampublikong paaralan.
 
Ano ang mga sintomas o palatandaan ng mga bata at matatanda na nakaranas ng pang-aapi?
 
Pisikal at pag-uugali:
1. Pagkawala ng mga gamit
 
2. Hindi maipaliwanag na sugat
 
3. Bilang ang mga kaibigan
 
4. Pananakit ng ulo
 
5. Pananakit ng tiyan
 
6. Pagbabago sa pagkain
 
7. Pag-ihi sa higaan
 
8. Pagkahilo
 
9. Madalas na pananakit
 
10. Hindi nakikisalamuha sa ibang tao
 
11. Pagiging huli sa klase o sa trabaho
 
12. Hindi pagpasok ng ilang araw o sinusubukang gumanti
 
13. Pagkakaroon ng mababang grado at sinisira ang kanilang sarili (halimbawa, paglalakwatsya, pananakit sa sarili o pagtatangkang patayin ang sarili).
 
Madalas na sintomas sa pag-iisip:
1. Pagiging irritable
 
2. Pagkabalisa
 
3. Kalungkutan
 
4. Hirap sa Pagtulog
 
5. Madalas na bangungutin
 
6. Pagod sa umaga
 
7. Kawalan ng kakayahan sa lahat ng bagay
 
8. Pakiramdam na nag-iisa
 
Ano ang panganib sa biktima?
Ang panganib na maaaring kaharapin ng biktima ng pang-aaway kabilang na rito ang mababang pag-intindi ng lipunan, ay may posibilidad na makaranas ng pagkabalisa o depresyon. Ang pagbaba ng timbang ay maaaring maiugnay sa pagiging biktima ng pagmamaltrato.
 
 Ang mga batang bakla, tomboy, bisexual o transgender ay madalas nagiging biktima ng pananakot kumpara sa normal ang kasarian. Ang mga batang may kapansanan, dayuhan o mahina ang utak ay madalas naaapi.
 
Ang mga taong nang-aaway ay madalas naging biktima rin ng mga panunukso o pananakot (bully/victims) noon. Sila ay mas agresibong manakot o manukso kaysa sa mga hindi pa nagiging biktima ng pang-aapi o panunukso. Malamang na hindi sila masyadong sikat, mas madalas na nananakot, kung hindi man ay naabuso, napabayaan, at ito ay nagmula sa pamilya na mababa ang estado sa buhay.
 
May mga batang nagiging biktima ng pang-aapi na minsan hindi alam ang naging dahilan. Ang taong may balak na masama sa kapwa ay ang tanging mananagot. Lahat tayo ay maaaring maging biktima ng pananakot o pang-aapi, kahit na ang mga batang nangunguna sa kanilang klase, mga sikat, at sumasali sa mga laro. Madalas inggit ang isa sa dahilan kung bakit marami ang nilalapastangan. Pakaiwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa upang makaiwas sa masamang gawain.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)