Ano ang "Gmail confidential mode" at paano ito magagamit para sa secure na pagpapadala ng email?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Ang feature na confidential mode sa gmail ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit nito na mag-send ng mga email na may dagdag na seguridad at control sa mga recipients. Pinapahintulutan nito ang mga sender na i-set ang expiration date ng mga email, mag lagay ng limit ng access sa mga kalakip, at kailangan ang mga recipients na ay ma-verify gamit ang SMS passcode bago nila mabuksan ang email.
 
Paano nga ba ito gamitin?
1.      Una ay buksan mo ang Gmail at piliin ang "Compose" para magsimula gumawa ng email.
2.      Sa baba ng email composition window, i-click mo ang "Turn on confidential mode."
3.      Ito ay magbubukas ng pop-up window na kung saan ay pwede kang mag-set ng expiration date at i-configure ang iba pang mga seguridad.
4.      Pwede ka ring mag-set ng expiration date kung kailan hindi magagamit ang email.
5.      Pwede mo ring i-set ang mga recipients na kailangan nila ng SMS passcode para maka-access sa email.
6.      Pwede mong i-disable ang pagpapasa, pag-print, pag-download, o pagkopya ng nilalaman ng iyong email.
7.      Pwede ka ring maglagay ng karagdagang seguridad sa pamamagitan ng paggamit ng "Passcode" na sa mga recipients lang na may passcode ang magkakaroon ng access sa email.
Pagkatapos mo magawa ang mga ito pwede mo na i-click ang "Save" at pwede mo na magamit ang Gmail Confidential Mode sa iyong email.
 
Ang Gmail Confidential Mode ay magandang gamitin para sa mga sitwasyon tulad ng:
→ Pagpapadala ng sensitibong mga impormasyon gaya nalang ng passwords o personal na data.
→ Pagpapadala ng mga mga kumpidensyal na dokumento na gusto mong limitahan ang access.
→ Pagpapadala ng mga email na may expiration date, gaya nalang ng mga invitations o pansamantalang impormasyon.

Tandaan mo na ang mga recipients na may access sa email ay pwedeng hindi Gmail users, at pwede ring sila ay makatanggap ng email sa pamamagitan ng special link at passcode na pwede maka-receive sa SMS.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)