Ano ang ibig sabihin ng "airplane mode" sa cellphone?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Ang "Airplane mode" sa mga cellphone natin ay isang setting o mode, hindi nito pinapagana ang lahat ng kahit anong wireless communication function sa cellphone mo. Kapag nasa airplane mode ang iyong cellphone, hindi ito pwedeng magpadala o makatanggap ng mga tawag at text. Hindi mo rin pwedeng gamitin ang iba pang wireless signal gaya nalang ng Wi-Fi, Bluetooth, at cellular datia. Ginagamit ito madalas sa mga eroplano o mga lugar na kung saan ay bawal ang paggamit ng mga elektronikong aparato, para maiwasan ang potensyal na pagkagambala sa mga sistema ng komunikasyon ng sasakyang nasa himpapawid. Sa ibang pagkakataon, pwede ring gamitin ang airplane mode para sa taong gusto ng katahimikan sa kanilang cellphone at pwede rin kapag gusto ng user na makatipid sa buhay ng baterya ng kanilang cellphone.
 

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)