Ano ang ibig sabihin ng "mobile games" at paano ito iba sa ibang klase ng video games?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Nilalaro ang mga mobile games sa mga mobile devices na katulad na lamang ng smartphones at tablet kung tawagin. Ang mga larong ito ay isang uri ng video games na ginagamit para maging iba’t-ibang uri ng libanagan ng isang tao. Maraming mga pagkakaiba ang mobile games at video games isa na rito ay ang platform kung saan mo ito lalaruin. Sa mobile games, ang mga manlalaro ay gumagamit ng pang-kontrol sa touchscreen o ibang mga pindutan na makikita sa kanilang mga cellphone. Kahit nasaan ka man ay pwede mo laruin ito dahil madali itong ma-access. Samantalang ang mga video games ay gumagamit ng console, mga computer, at iba pang handheld gaming device. Mas mataas na ang kalidad ng mga graphics dito at mas advance ang mga controls. Ang mga mobiles games kasi ay kung ano lang ang kakayahan ng mga cellphone na graphics o gameplay ay hanggang doon lamang ang pwede mong laruin kaya mas simple lang ang mga ito kaysa sa video games na mas advanced ang setup ng mga laro.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)