Ano ang Magandang Gawin Pag Walang Magawa o Pag bored? Libangan Naiinip Pagkakaabalahan

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Labing limang (15) mga pwedeng gawin kapag ikaw ay naiinip
 
Naipit ka na ba sa trapik at walang magawa? O kaya naman hindi makalabas ng bahay dahil sa malakas na ulan. Naranasan mo na bang walang magawa sa gabi dahil brownout? Nakakainip di ba? Ngunit napakaraming paraan para maiwasan ang pagkainip at maging abala kagaya ng mga sumusunod:
 
1. Magbasa ng libro o magazine – Ang pagbabasa ay isa sa pinakamagandang gawin kung ikaw ay naiinip. Ito’y nakakalibang at tiyak na makakadagdag pa sa iyong mga nalalaman. Maaaring manghiram nito sa iyong mga kaibigan o kaya naman sa inyong library.
 
2. Mag selfie – Gamit ang iyong cellphone, kunan ang sarili at mag-upload sa iyong mga social media account o gawing wallpaper ng cellphone.  Wag kalimutan lagyan ng hashtags ang iyong mga na upload na litrato.
 
3. Makinig ng kanta o balita sa radyo- Kung gusto mong magpakasenti, makinig ng mga lumang tugtugin.  Pwede din sabayan ang mga bagong kanta at magconcert sa sarili mong kwarto. Ang pakikinig naman ng balita ay makatutulong para hindi ka mapagiwanan sa mga pangyayari sa iyong paligid.
 
4. Manood ng tv series o koreanovela - Sa panahon ngayon, maraming mga pilipino ang naaadik sa panonood ng koreanovela o tv series. Nakakawala daw ng kanilang pagod ang kilig at pananabik sa tv series o koreanovela lalo na kung ang kwento ay nabitin. Hindi nila namamalayan na maghapon o magdamag na pala silang nanonood kaya naman isa itong paraan upang maiwasan ang pagkainip.
 
5. Matuto ng panibagong kaalaman - Dahil sa makabagong teknolohiya hindi mo na kailangang umatend ng seminars ng personal upang matuto. Maaari nang manood sa youtube o facebook videos na pwedeng gayahin habang walang ginagawa. Maaaring matuto ka ng pananahi, cross stitch, pagluluto, pasasalita ng bagong lingwahe at marami pang iba.
 
6. Gumawa ng sariling website - Ito na ang iyong pagkakataon na ilabas ang iyong pagiging malikhain tulad ng paggawa ng sarili mong website. Maaari ding gumawa ng blog sa pamamagitan ng pagsusulat ng kung ano ang hilig mo o i-video ang sarili at ito ang nauuso ngayon na tinatawag na vlog. Ang paggawa ng website, blog o vlog ay nangangailangan ng oras at panahon para makapagisip at ito ang magandang gawin dahil walang ibang inaalala.
 
7. Imbitahan ang kaibigan o kapamilya - Ito ang magandang pagkakataon na makipagkita sa mga kaibigan o kapamilya na matagal ng hindi nakakabonding o nakasama. Mag setup ng party, date o getaway. Planuhin ang mga gagawin upang masulit ang oras at ang pagkakataon.
 
8. Pagsusulat – Magsulat ng tula, kanta, o kwento ng mga nangyari sa iyong araw. Kung mahilig kang kumanta, maaaring kang makapagcompose ng sarili mong kanta dahil sa pagsusulat.
 
9. Maglinis ng bahay - Bukod sa magiging maaliwalas tignan ang inyong bahay, ang paglilinis ay isa ding magandang ehersisyo para sa katawan. Kung madami kang maduduming damit, simulan mo ng labhan ang mga ito.  At kung may mga naiwang hugasin sa lababo, mainam na hugasan na rin ito.
 
10. Baguhin ang ayos ng bahay – Kung naiinip ka, subukang baguhin ang pwesto  ng mga gamit gaya ng mga appliances, cabinet, upuan, at lamesa sa bahay. Minsan kailangan mo lang magkaroon nga bagong view o porma ng bahay para matanggal ang pagkainip.
 
11. Magluto - Ipagluto ang iyong pamilya o special someone ng pinakabago mong natutunang recipe. Maging malikhain sa paghahanda ng iyong ihahain sa kanila.
 
12. Sagutan ang isang crossword puzzle – Malibang habang nag-iisip sa pagsagot ng crossword puzzle. Madalas meron nito sa mga dyaryo sa inyong bahay.  Kung wala kang dyaryo, maaari namang magdownload ng ganito sa iyong cellphone. Bukod sa crossword puzzle, subukan din ang soduko, word finder, at iba pang laro na susubok sa iyong isipan.

13. Mag-internet at mag-research gamit ang google at Wikipedia – Ang mga websites na ito ay maaari kang matulungan sa iyong mga tanong, assignment sa eskwela, o kahit anong bagay na gusto mong maliwanagan.
 
14. Mag online shopping - Kung ayaw mong lumabas pero mahilig kang magshopping, subukang mag shopping online. Nandyan ang lazada.com, shopee.ph, olx.com, at ebay.com.ph, kung saan napakadaming mura at magagandang pagpipilian. Maaari din namang mag window shopping lang kung wala pang pambili.
 
15. Mag powernap o umidlip - Ito ang pinakasimpleng paraan para maiwasan ang pagkainip. Bukod sa makakapahinga ang iyong katawan, sinasabing ang powernap o pag-idlip ay mabuti din sa iyong utak o isipan.
 
Ilan lamang ito sa mga maaari mong gawin kapag ikaw ay naiinip. Gamiting mabuti ang oras at panahon, maraming nagsasabi na laging nasa huli ang pagsisisi. Gawin ang mga bagay na alam mong makapagpapasaya sayo maging sa iyong pamilya o kaibigan.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)