Ano ang mga posibleng dahilan ng hindi pagkakabukas ng cellphone o pagkakaroon ng black screen?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Maraming dahilan kung bakit may hindi bumubukas ang iyong cellphone, nakalista sa ibaba ang ilan sa mga dahilan:
 
1.      Naubos na ang iyong battery – pwedeng hindi bumukas ang iyong cellphone kapag ito ay na-drain o naubos mo nang tuluyan ang battery.
2.      Mga glitches sa software – ang mga software glitches o bugs ay pwede ring maging sanhi ng hindi pagkakabukas ng cellphone. Pwedeng dahil din ito sa hindi tamang shutdown, software updates, o incompatibility ng mga apps.
3.      May issue sa hardware – sira o hindi gumagana na hardware gaya nalang ng power button, battery, o iba pang internal components ay pwedeng magresulta sa hindi pagkakabukas.
4.      Pag-crash ng system – pwedeng maging dahilan ng black screen o hindi pagkakabukas ng cellphone ang pagc-crash ng operating system.
5.      Water o physical na damage  – kung aksidenteng nabasa ang cellphone mo, pwede itong magresulta sa sirang hardware at software.
6.      Issue sa iyong memory – kapag puno na ang memory ng iyong cellphone, syempre pwede itong magkaroon ng problema sa pag-bukas ng mga apps at pwede ring magkaroon ng black screen.
7.      Virus o Malware –  malaking epekto ang nabibigay ng mga ito sa iyong cellphone, sa pagkakaroon ng mga ito ay pwedeng makaapekto sa system ng cellphone mo hanggang sa tuluyan mo na siyang hindi mabuksan.
8.      Bootloop – ang bootloop ay isang scenario na kung saan nag-hang ang iyong cellphone dahil sa pag-boot. Pwedeng dahil din ito sa hindi tamang software updates, customizations, o incompatibility.
 
Mayroon dito na ilan sa mga tips para maayos ang ganitong problema:

1.      I-charge at i-restart -  siguruhin lagi na sapat ang battery charge at i-restart mo ang iyong  cellphone.
2.      Soft Reset – kapag hindi nagre-respond ang cellphone, subukang mong i-soft reset ito. Ito ay pwedeng gawin sa pamamagitan lang ng pag-pindot nang matagal at sabay sa power button at babang volume ng ilang segundo.
3.      Factory Reset – ito ang matinding solusyon na dapat mong gawin kung wala ka nang ibang choice at hindi gumana ang 1 & 2. Sa paraang ito ay maaalis lahat ng data at files ng iyong cellphone kaya dapat ay mayroon kang backup ng mga importanteng files.
4.      Humingi ng tulong sa mga propesyonal – kapag ang mga nabanggit na hakbang sa itaas ay hindi pa rin gumana, mas mabuti na dalhin mo na ang cellphone sa mga authorized service center para sa tamang diagnostic at repair.
 
Sa pangkalahatan, ang mga isyu ng hindi pagbubukas o itim na screen ay pwedeng resulta ng iba't ibang mga kadahilanan. Pwedeng makatulong ang mga hakbang na ito upang ayusin ang problemang ito, pero mas makabu-buti na makipag-ugnayan sa mga propesyonal na serbisyo kung kinakailangan.
 

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)