Ano po ang dapat kong gawin, ayaw ipakausap ng middleman ang taong inutangan ko para makapag bayad po ako ng paunti unti, gusto po niyang sa kaniya ibigay ang pera?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.


Nung last year po August umutang po ako ng 6 thousand sa 5-6, noong September po ay nagpadagdag ako ng 2 thousand dahil na hospital ang mama ko, ang bayaran po ay buo at 15 days lang ang palugit, kapag hindi po nakabayad ay may penalty. Hindi po ako ang direktang kausap ng inutangan kundi ng tita ko. Hindi na po ako nakabayad dahil nawalan po ako ng trabaho kahit po tubo na 1600 tuwing 15 days ay hindi ko po nabayaran. Never ko po nakausap ang pinagkakautangan ko yita ko lang po ang kumakausap, noon pong November ang sabi ng tita ko magppa barangay yung inutangan kapag hindi pa nabayaran yung utang sa December, ang sabi ko po s tita ko ay pumapayag ako para makapag usap kami ng maayos ng inutangan at ibinigay ko po ang address ko dahil dito po ako sa bulacan nakatira at sa Quezon city naman po sila. Dumating po ang December pero wala pong imbita galing s barangay. Hindi na po nag chat at wala na po ako balita sa kung anong nangyari, nalman ko na lang po s mama ko na nagpa barangay yung inutangan pero hindi nila sinabi sa akin at hanggang ngayon po ay ayaw sabihin sa akin ng tita king sino ang nag papautang dahil business daw po iyon na parang coop at marami ang dinadaanan ng pera bago makarating sa kanya. 
 
Ngayon po February 2023 ay nag chat ang pinsan ko na kailan ko daw po babayaran ang utang ko sa mama niya (siya po ang tita ko na kausap ng nagapautang) at bakit hindi ko manlang daw po nirereplayan ang mama niya. Wala po ako nareceive na chat galing s mama niya since last year po. 
 
Never ko po sinabi na hindi ko po babayaran ang utang ko kaya nga po gusto ko magkaharap kami ng inutangan. Kung ano ano po na mga salita ang pinagsasabi sa akin at sa asawa ko ng tita ko. Siya daw po ang humaharap sa mga sinasabi ng inutangan. Sinabi ko po s tita ko na ako na ang makikipag usap dahil ako ang may utang at hindi sila, pero ayaw pong sabihin ng tita ko kung sino ang inutangan at ayaw din po mag send ng computation ng utang na dapat bayaran. Sa mga chat po ng tita ko ay parang hinaharass na sila pero ayaw naman po niyang sabihin sa akin ang pangalan ara maka usap ko po yung tao. Ang gusto po mangyari ng tita ko ay sa kanya ko ibigay ang pera at sa kanya ako magbayad. 
 
Noon pong December sa chat niya sa asawa ko ay pinahinto na daw po ng nag papautang ang tubo at kailangan po namin magbayad ng mahigit 15000. Pero ngayon pong February nung nag chat po ako sa kanya para hingin ang pangalan, address nag nagpautang at yung computation ng bayaran ay kung ano ano na po ang sinabi niya. At wala po siyang sinagot sa lahat ng mga hinihingi ko na impormasyon. 
 
Hindi ko po ba karapatan na malaman ang pangalan ng nag pautang sa akin? dahil sabi po nila ay nagdedemend pa daw po ako ng computation at barangay.
 
Hindi ko din po ba karapatan na malaman ang halaga ng tubo ng inutang ko? Hindi ko po ba pwede malaman ang computation ng inutang ko? Dahil ang sabi po nila ay pinahinto na ng nagpapautang ang tubo noong December pero pinapa compute po sa akin ng tita ko ang utang simula August last year hanggang ngayong February 2023, at yun po ang pinapabayaran niya sa akin. Sa kanya ko daw po ibigay ang pera. 
 
Hindi po ba ako pwede dumulog sa barangay upang makausap ang inutangan ko para mabayaran ng unti unti ang utang? 
 
Gumawa din po ng group chat sa messenger ang pinsan ko isinama ang asawa ko at kapatid ko at doon po niya ako pinag mumura at pati po mag nak ko ay dinadamay niya po.
 
Wala pa po ako pera kahit pamasahe para makpunta sa barangay nila para makausap sila ng maayos dahil nasa Quezon city po sila at nandito po ako sa bulacan. Pwede po bang dito ba kami sa bulacan magharap? dahil ang pagkakaalam ko po ay dito din nakatira sa bulacan ang pinsan ko na pinagmumura ako. 
 
Ang tanging gusto ko lang po ay formal na usapan s pagitan namin ng inutangan para hindi na sila madamay pa. 
 
 
Pasensya na po sa mahaba kong mensahe, sana po ay masagot po ninyo ako. Maraming maraming salmat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.