Ano po ba ang pwede namin gawin or ikaso sa mga kamag-anak na wala na pong ginawa sa pamilya namin kundi hanapan ng problema or mali?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.



magandang hapon po, itago niyo na lang po ako sa pangalang Tiffen, 29 years. old,  gusto ko lang po sanang manghingi ng advise specially po yung legal advise kasi sa sitwasyon po ng pamilya ko parang gusto ko na po talagang bigyan ng leksyon yung mga kamag-anak ng mama ko (half-siblings niya actually).

Nakatira po kami sa Marikina since 2000 pa. Bale ang siste po is nag-rerent kami ng bahay  sa isang compound (di naman registered as apartment) sa parents ng mother ko (Lola ko then yung Step Dad niya) bale sa side ni mama meron ho siyang 7 na half siblings. So as of now, both lola ko and yung step dad ng mama ko is  patay na.  Ang nagma-manage na lang po nung paupa ng bahay is yung pangalawa sa pinakamatanda sa lahat ng magkakapatid. 

so bale ganito po, yung mama ko kasi simula nung kinuha siya ng lola ko sa kanila, kahit anak niya yung nanay ko ang turing niya sa kanya iba, parang outsider, kaya kung ano yung trato niya sa mama ko ganun din yung ginagawa ng mga tito at tita ko sa kanya. syempre bilang anak, ako ho yung nasasaktan kasi hindi na lang niya pinapatulan yung mga kapatid niya kahit pinag kakaisahan na siya madalas. simula nung bata ako hanggang ngayon na tumanda na ako wala na akong nakita kung hindi ganun. Kung ano-ano na lang po yung ginagawa nilang issue sa pamilya namin madalas na kahit nanahimik naman kami yung tipong kulong na kulong na kami sa bahay namin meron at meron pa rin silang napupuna. hindi ko alam kung dahil ba sa inggit o ano pero di ko kasi maintindihan. nung una yung pusa namin pinag-initan nila lahat naman kami sa compound may kanya kanyang alaga pero hindi ko po maintindihan kung bakit basta basta na lang nila kinuha yung alaga namin nilagay sa sako tapos itinapon sa kung saan, ibinida pa sa amin yun nung nakababatang kapatid ng nanay ko parang akala niya sa paningin niya tama yung ginawa niyang kalokohan. pangalawa yung mga nakataling aso sa harapan namin, tama ho ba na kahit asa tapat na namin nakatali yung sarili naming aso eh pati yun eh hindi rin pinalagpas, reklamo sila ng reklamo na ang baho ng dumi ng aso namin samantalang yung mga aso nila asa tapat at gilid lang ng mga tahanan nila hindi nila mapuna at maamoy yung baho, sa amin talaga yung mas malakas ang amoy? ganun ho ba yun? pangatlo, dahil maliit lang ang bahay na tinitirhan namin na kulang na lang pitikin ni satanas yung bubong naman eh gigiba na pati ba naman yung mga di magkasya na gamit namin sa bahay na iniligay na lang namin sa tapat ng bahay namin pati yun pina-pakialaman ng mga tita kong walang magawa sa buhay.  pinag iinitan nila yung mga gamit namin na nakalagay sa tapat mismo namin pero yung sa mismong tapat din nila na sobrang kalat di nila mapuna, kulang na lang high bloodin yung tatay ko sa kanila dahil sa ginagawa nila. ano po ba dapat namin gawin sa kanila? thank you po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.