ano pong pwde kung ikaso sa isang tao ng nangungutang sakin ng 30k ...nsa pinas

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

ano pong pwde kung ikaso sa isang tao ng nangungutang sakin ng 30k ...nsa pinas po sya & im here in kuwait ....is it possible ba n pwde kung gawing proof ang mga resibo?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
P30,000 lang inutang niya sa iyo? At gusto mo siyang idemanda para makuha ang P30,000? Naku, mas malaki pa diyang ang iyong magagastos sa docket fee, tapos, sa pagpapa-serve ng summons, tapos, tuwi bista, kahit sa small claims court, ikaw ay haharap. Pamasahe mo, oras mo, tapos, hindi ka pa makaka-pag-trabaho sa araw na ikaw ay may bista. So, ang suma tutal, mas malaki pa ang magagastos mo kaysa sa sisingilin mo.
Pero, nasa sa iyo ang pasya. Kung ang gusto mo lamang malaman ay kung puede mo siyang idemanda, oo. Kaso, sa ilalim ng batas, ang mga pagkaka-utang ay dapat naka-sulat ang kasunduan (your agreement must be reduced into writing) para ito ay enforceable sa husgado. Pero, kung hindi aalma ang idedemanda mo, at tanggapin ng husgado ang ebidensiya mong mga resibo noong mga nabayaran mo na, eh, di, magtatagumpay ka.
Ang isang problema lamang na nakikita ko ay kailangang doon ka kung saan ka nakatira mag-sampa ng demanda. Pero kung ang sinisingil mo ay nasa malayo, magkakagastos ka para mamasahe ang bailiff ng husgado para i-serve (halimbawa nasa Mindanao ang sisingilin mo, pamamasahihan mo pa ang bailiff para maipa-receive niya ang demanda doon sa sisingilin mo).
Sa susunod, kung magpapa-utang ka, kailangan ay mayroon kayong kasunduang nakasulat (kahit hindi notaryado). Tapos, kailangan din ay ilalagay ninyo sa kasunduan ninyo kung saan kayo magdedemandahan kung hindi mabayaran ang utang. At kung maaari, huwag kang pumayag kung walang prenda (kahit na cellphone lang o kaya relo) para naman kung hindi mo na masingil, hindi masyadong masakit dahil sa may nakuha ka namang bagay na halos katumbas ang halaga.
Kung hindi na niya mabayaran, sulatan mo siya, singilin mo siya, at kung hindi pa rin siya makabayad, i-inform mo na lamang siya na ang prenda niyang item ay iyo nang ibebenta upang ang halaga ay maging pambayad utang. Usually, kailangan pa ng extrajudicial foreclosure of mortgage, kaso, kung napakaliit naman ng halaga (tulad nito, P30,000) hindi na rin praktikal na magka-gastos ka pa. At malamang sa hindi na niya ito habulin pa.
Magtanong sa abogado at nang maliwanagan mo ang mga options mo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.