Ano tamang pwesto ng Salamin para Swertehin? Saan dapat ilagay tamang ayos ng salamin yumaman

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ayon sa feng shui experts, ang salamin ay nagbibigay ng swerte, ngunit maaaring magdadala din ito ng malas oras na mali ang pagkakaayos mo. Halimbawa ng mga malas na maaring maransan ay lungkot, gulo, at kahirapan.
Ang salamin ang may kakayahang doblehin ang repleksyon ng kahit na anong bagay na nasa kanyang harapan, ito ay maaaring makaakit ng negatibo o positibong enerhiya. Samakatuwid, ang paglalagay ng tamang salamin ayon sa fungsoy ay mahalaga.
 
PWESTO – SAAN ILALAGAY ANG SALAMIN?
1.     Katapat ng magandang tanawin - Ayon sa Fungsoy experts, isabit ang salamin kung saan makikita sa repleksyon nito ang likas na tanawin mula sa labas ng bahay. Maaring ilagay ang salamin sa tapat ng bintana na may magandang tanawin, upang magdadala ng positibong enerhiya at payapa sa loob ng bahay.
Ang salamin ay may kakayahang mag-aanyaya ng enerhiya sa isang lugar. Halimbawa, pagdating sa opisina, ilagay ang salamin kung saan makikita sa repleksyon nito ang ilog na sumisimbolo sa elemento sa tubig, punong kahoy na elemento ng kahoy. Ito ay nag-aanyaya ng maraming tubig simbolo ng kasagaan at tagumpay sa iyong karera o trabaho simbolo ng kahoy.
Dahil ang salamin ay may kakayang gayahin kung ano ang nasa kanilang harapan, maaari mo itong ipwesto sa mga bagay na iyong gusto, gaya ng libro, paboritong painting o bagay, mangkok ng puno ng prutas, o pinakaingat-ingatang larawan.
 
2.   Pangunahing pintuan- Ayon sa eksperto, kapag masikip ang espasyo sa pasukan ng bahay, maaari magsabit ng salamin upang malawak ito tingnan. Ito ay nagdadala ng elemento ng tubig o kasaganaan. Ngunit siguraduhin na hindi nakatapat ang salamin sa mismong tapat ng pintuan upang hindi lumabas ang swerte.
Iwasan ding magkabit ng salamin na may repleksyon ng baso o kahit na anong bagay na makintab o babasagin sa tapat ng pasukan ng bahay. Ayon sa fungsoy, ito ay nagtataboy ng positibong enerhiya palabas ng bahay.
 
Malaking bagay din na nakikita ang sarili sa salamin bago lumabas ng bahay dahil nagbibigay ito ng kumpyansa sa sarili.
 
3.   Pintuan sa loob ng tahanan- Iwasang maglagay ng salamin sa tapat mismo ng kahit saang pintuan sa loob ng bahay. Kinakailangang hindi mo nakikita ang sarili sa repleksyon ng salamin habang nakatayo sa tapat ng pinto.
 
4.   Madilim na Pasilyo- Ayon sa fungsoy, kung nais mong magiging maliwanag at may galaw sa isang lugar, maiging lagyan ng salamin. Makakatulong ang malaking salamin sa mahaba at madilim na pasilyo, dahil nagbibigay at nakakaikot ng maayos ang positibong enerhiya sa buong lugar.
 
5.   Hapag-kainan- Ayon sa fungsoy, ang salamin na mayroong repleksyon ng pagkain ay nag-aanyaya ng kasaganaan. Isa sa kilala na nagdudulot ng kayamanan at kasaganaan ay ang paglagay ng salamin, katabi ng hapag-kainan. Dahil ang salamin ay may kakayahang doblehin ang pagkain na nasa ibabaw ng lamesa.
 
6.   Kusina - Iwasang maglagay ng salamin na nakikita sa repleksyon ang kalan o lutuan sa kusina upang hindi masunog o matunaw ang swerte. Maaari maglagay ng salamin sa kusina na ang repleksyon na nakikita ay sahig o pintuan ng kusina.
 
7.   Madumi at matulis na gamit- Iwasang maglagay ng salamin na ang repleksyon ay makalat gaya ng tambak na papel sa ibabaw ng lamesa, maruming labahan, maruming lababo, basurahan, inodoro, kutsilyo o pana, matutulis na kanto ng kagamitan o pader o kahit na anong negatibong gamit. Ito ay hindi maganda ayon sa fungsoy dahil magdadala ito ng negatibong enerhiya.
 
8.   Kwarto o silid-tulugan- Iwasang ipwesto ang salamin na nakikita ang kama. Hangga’t maaari iwasang maglagay ng salamin sa kwarto. Gayunpaman, oras na mayroong salamin sa loob ng kwarto, siguraduhing hindi nakikita ang sarili habang natutulog. Ayon sa fungsoy, maaari magkasakit o magdadala ng gulo sa inyong mag-asawa, ibig sabihin maaari may taong papasok sa inyong relasyon. Isa sa maaaring gawin para maiwasang makita ang sarili sa salamin habang natutulog, ay takpan ito ng tela sa gabi.
 
9.   Kahadeyero- Ayon sa fungsoy ang paglagay ng salamin sa tapat ng kahadeyero ay nagdadagdag ng kayamanan.
 
NARITO ANG TAMANG POSISYON NG SALAMIN AYON SA FUNGSOY
1.     Kinakailangang nakasabit ang salamin ng flat o dikit na dikit sa pader at hindi nakausli palabas.
2.     Huwag ilagay sa kisame o sa sahig ang salamin.  Iwasang maglagay ng mga tiles o kisame na naaaninag o nakikita ang sarili na ang pangit ng itsura kapag tumingin dito.
3.     Iwasang maglagay ng salamin na magkaharap, maaari makasanhi ito ng sama ng loob at pagkabalisa sa taong tumitingin dito.
4.     Iwasang maglagay ng salamin na nakatapat sa hagdanan. Bakit nga ba? Dahil ang hagdan ay masasabing isa sa mga hamon kung paano i-disenyo pagdating sa fungsoy. Ang paglagay ng salamin na ang repleksyon ay hagdan, maaaring madadagdagan lamang ang negatibong enerhiya sa hagdanan. Ibig sabihin nito, maaari magdadala ito ng malas.
Gayundin, iwasan ang paglagay ng salamin sa ibaba ng hagdanan, na napuputol ang paa o ulo oras na tumingin sa salamin. Ang hagdanan ay isa sa mahalagang bahagi ng bahay at mahalagang mabigyan ng importansya ang ayos nito ayon sa paniniwala ng mga eksperto.
 
SUKAT NG SALAMIN
1.     Gumamit ng salamin kung saan kita ang buong katawan. Nakakapagbigay ng buo na pagkatao sa tuwing nakikita ang sarili sa salamin. Ang maliit, may basag na salamin, malabo o may disenyong tiles sa gilid ay maaari makaepekto ito sa pakiramdam na ikaw ay laging bigo.
2.     Ayon sa eksperto, iwasang manalamin na ang nakikita lamang ay ang mukha. Mainam kung nakikita ang buong ulo at katawan. Pagdating sa mga kababaihan, maigi na nakikita pati ang parte ng dibdib. May mga uri ng salamin na may disenyo, na nakikita ang sariling repleksyon na hindi buo, mas mainam na iwasan ito. Dahil nakakadulot ito ng pakiramdam na putol ang sarili at gawin itong hamon upang maibalik ang mga bagay na naputol. Ibig sabihin, may pakiramdam ka na kulang ang iyong pagkatao na kailangan mong buuin.
3.     Ang malapad at mataas na salamin na yung tipong hindi mo na kailangang yumuko, ito ay nagbibigay ng kapayaan sa sarili.
Ayon sa fungsoy, iwasang nakapwesto ang salamin sa lugar kung saan maaaring ang taong matangkad ay putol ang ulo oras na mananalamin. Kinakailangan nakapwesto ito na kayang manalamin ng pinakamatangkad na meyembro ng pamilya na hindi napuputol ang ulo, kasama na dito ang magiging partner mo sa hinaharapa kapag ikaw ay single.
Ayon sa fungsoy, ang pananalamin na napuputol ang ulo ay nagdudulot ng sakit ng ulo o hindi makapag-isip ng maayos. Samantala, kapag sobrang baba naman ang pwesto ng salamin na kailangan mo pang yumuko upang makita ang sarili, maaari mawawalan ka ng tiwala pagdating sa iyong tindig. O di kaya, kapag sobrang kitid naman ng salamin, maaari iisipin mong ang taba mo na, at dahil dito mawawalan ka ng kumpyansa sa sarili o magkakaroon ka ng negatibong pag-iisip tungkol sa iyong pisikal na katawan.
4.     Ayon sa eksperto, ang parisukat o rektanggulo ay maituturing na magandang hugis ng salamin.
 
ITSURA NG SALAMIN
Panatilihing malinis ang lahat ng salamin o anumang uri ng bagay na nakikita ang sariling repleksyon. Ayon sa eksperto, nakikita ang sariling imahe sa kung ano ang itsura ng repleksyon sa salamin. Kung paaano mo nakikita ang iyong imahe sa salamin, ito ay may epekto sa iyong kamalayan o kaisipan, kaya tiyaking laging malinis, maaliwalas, at malinaw ang ating salamin.
 
1. Siguraduhing laging klaro ang larawan o repleksyon na nakikita sa salamin ng kahit sinomang manalamin dito.
2. Iwasang magtago o maglagay ng sira, kalawangin, marumi, matagal ng hindi ginagamit, at antique na salamin sa bahay.
3. Umiwas sa mga salamin na maraming disenyo o malabong repleksyon dahil maaring hindi makita ng mabuti ang sariling repleksyon. Iwasan din ang mga hindi pantay na mga gilid ng salamin, maaari makakasira ito sa iyong imahe at putol-putol ang imaheng makikita sa salamin. Ayon sa fungsoy, ang salamin na malinaw at malinis ay mainam, dahil kitang kita ang sariling repleksyon sa salamin at magkakaroon ng tiwala sa sarili.
 
4. Laging gumamit ng hindi sira na salamin.
 
Ang mga tips na nabanggit sa video tungkol sa salamin ay magdadala ng positibong enerhiya sa’yo, sa iyong mga mahal sa buhay at kapaligiran, mapabahay man ito o opisina. Ayon sa fungsoy, ito ay magbibigay din sa’yo ng marami at higit na kasaganaan, kayamanan, at kaligayahan sa buhay.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.