Bahay at lupa

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay pinalaki ng tiyuhin ko, adopted po pero hindi dumaan sa legal process. May 3 po syang anak pero may kanya kanya na po silang pamilya. Yong panganay ay nasa manila at yong dalawa ay nasa abroad. Noong 1990 ay nastroke po sya kaya ako po ang nag-alaga sa kanya sa tulong financial ng kanyang panganay na anak. Noong 1996 ay umuwi po dito sa bahay ang bunso nyang anak dahil may sakit sya kaya dalawa na silang inaalagaan namin ng pamilya ko. After 2 years po ay namatay po ang tiyuhin ko then after 1 year namatay ang panganay nyang anak at yong pangalawa nyang anak ay namatay noong 2002. Dahil ako na lang po ang inaasahan ay nag-abroad po ako at ang pamilya ko naman ang nag-alaga sa may sakit kong pinsan hanggang sa pumanaw sya last 2009. Ang problema ko po ngayon ay pinalalayas kami dito sa bahay ng mga apo ng tiyuhin ko. Anak po sila ng panganay nya kasi ibebenta daw nila itong bahay at lupa. May karapatan po ba akong tumanggi kasi ako at ang pamilya ko naman ang nag-alaga sa tiyuhin at sa pinsan ko? At wala naman po silang ibinigay na financial assistance para sa tiyahin nila noong buhay pa sya. Sana ay mapayuhan po ninyo ako.. Maraming salamat po.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, ang sabi mo, inampon ka pero hindi legal na proseso. Ang ibig sabihin mo ba ay sa birth certificate mo, ang nakalagay na ama mo ay ang tiyuhin mo? O ang ibig sabihin mo ba ay ikaw ay pinalaki laman nila?

Kasi, kung ikaw ay adopted, may karapatan ka doon sa lupa at sa bahay dahil sa ang adopted na anak ay may kaparehong rights sa mga tunay na anak by blood. Ngunit, kung ikaw ay palaki lamang at hindi ka talaga adopted, ikaw ay walang karapatan mag-mana doon sa namatay na nagpalaki sa iyo.

Ikaw ang nag-alaga sa kanila, pero, isipin mo din na ikaw ay tumira sa bahay at lupa nila na walang upa all those years. Ikaw ay pinakain nila, binihisan, pina-aral, etc. So, hindi puedeng maging dahilan mo na hindi ka aalis sa bahay dahil sa ikaw ang nag-alaga doon sa mga tiyuhin mo.

Ang puede mo sigurong gawin ay sabihin doon sa mga apo ng tiyuhin mo na bigyan ka na lang ng pera para umalis ka na lang at may pera ka para maka-renta sa ibang lugar. Puede naman iyon, since ibebenta nila iyon. kaso, ito ay hindi karapatan. Ang tawag ng mga tao dito ay "disturbance fee" -- kasi, para hindi na lamang maistorbo sila na mag-demanda pa, kung babayaran ka nila, aalis ka na lang. Kumbaga, sa halip na sa husgado at sa abogado magbayad, sa iyo na lamang ibigay.

Pero, bilang palaki at hindi legally adopted, you have no right to inherit the house and lot of your tiyuhin. Para maliwanagan ka, humanap ka ng abogado at magkonsulta ka.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.